Ping Lacson’s Speech at Alyansa Rally in Tacloban City, Leyte

Magandang gabi Tacloban City, magandang gabi po Leyte, magandang gabi sa ating lahat!

May dalawang kaganapan na nakaukit sa kasaysayan ng lalawigan ng Leyte, ng Pilipinas, at ng buong mundo. Ang una po ay naganap mahigit 80 taon na ang nakakalipas. Oct. 20, 1944, nang naganap ang pinakamalaking labanang dagat sa buong PH nang dumating si Gen. Douglas MacArthur at sa tulong ng katapangan, kagitingan at kabayanihan ng mga Waray na mga Leytenyo, na-liberate ang Leyte.

Ang pangalawa ay naganap mahigit 11 taon na ang nakalipas noong hinagupit ng Bagyong Yolanda ang 171 cities and municipalities, 14 lalawigan at 6 na rehiyon, kasama ang Leyte at Tacloban City na kung saan mahigit 6,000 ang namatay, mahigit 18,000 ang sugatan, at mahigit 11,000 ang nawawala. At ang nasalanta ay hindi ma-estimate ng maski sino.

Ako po after 1 month, Dec. 10, 2013, ay naatasan ng ating pangulo. Pinatawag ako sa Malacanang upang magbalangkas ng tinatawag na recovery and rehab plan at i-coordinate ang mga national agencies, ang LGUs, at ang mga pribadong sektor, multilaterals at bilaterals, na kung saan malaki ang naitulong para mapabilis ang rehab, hindi lang ng Tacloban kundi ang ibang lalawigan na tinamaan ng bagyong Yolanda.

Katunayan ang inyo pong Eastern Visayas Regional Medical Center, ay ginawa sa pamamagitan ng tulong ng pribadong sektor. Natatandaan ko Bloomberry sa pag-aari ni Mr Ricky Razon. At ang mga bahay na pinagawa ng SM ni Ms Tessie Coson. Ang mga fishing boats na dinonate ng Ayala. At sa Palo, Leyte naman ang Metrobank. Ang Aboitiz naman, nangasiwa sa pag-rehab ng probinsya ng Cebu at sa iba’t ibang lugar pa.

Ang ating rehabilitation plan ay binuo namin in record time na 6 months, 6 buwan at ito ay in-acknowledge ng mga international organizations, international community. 8 volumes, 8,000 pahina. At ang nilalaman 18,648 na programa, activities at proyekto.

Ang sinasabi ko rito, kung ako ang inyong pagbibigyang muli maglingkod bilang senador ng ating bansa, ipagpapatuloy ko ang aking matapat na tungkulin sa pamamagi8tan ng aking karanasan, kwalipikasyon at competence. At ito ay maasahan ninyo: Ako ang inyong magpapatuloy na magbabantay sa kaban ng bayan upang meron kayong pagkain sa hapag kainan, may pang tustos sa pag aaral, at may libreng gamot. Sisiguraduhin kong papakinabangan ang kaban ng bayan ng taga Tacloban, Leyte at iba’t ibang lalawigan sa ating bansa.

No. 33 po sa ating balota. Ping Lacson po, maraming salamat sa inyong lahat!

*****

Discover more from PING LACSON

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading