Tag: anti-drug

Ping: Mga Militar sa BOC, Huwag na Sana Matukso

Huwag lang lapitan ng mga mapanukso.

Ito ang naging pahayag ni Senador at dating Philippine National Police (PNP) Chief Panfilo Lacson kaugnay sa mistulang pagtatalaga ng mga nasa hanay ng militar sa Bureau of Customs (BOC), makaraan ang eskandalo sa naipuslit na shabu.

Sa kanyang Twitter post, binanggit ni Lacson na noong dekada 1960, dati nang napangasiwaan ng militar ang BOC at naging maayos umano ang operasyon nito dahil hindi umubra ang mga tangkang panunuhol ng mga smugglers.

Nagkaaberya lamang umano ang operasyon ng ahensiya sa naturang dekada matapos na gumamit ng mga naggagandahang mga kababaihan ang mga nakikipagtransaksiyon sa mga ahensiya.

“In the early 60’s, some young, idealistic AFP officers were put in charge of the BOC operations. They learned fast, they couldn’t be bribed or intimidated. The smugglers used equally young, beautiful women to influence them.Β Β The rest is history we don’t want to remember,” pagsisiwalat ni Lacson.

Related:Β Lacson Cites Three-Pronged Solution vs Corruption at Customs
Continue reading “Ping: Mga Militar sa BOC, Huwag na Sana Matukso”