Para pangunahan ang isang disiplinado at malinis na gobyerno, sumumpa si Senador Ping Lacson nitong Huwebes na handa siyang bawiin ang kanyang karapatan sa ilalim ng Bank Secrecy Law sa unang araw ng kanyang panunungkulan kung sakaling manalo siya bilang Pangulo sa 2022.
Para kay Lacson na tumatayong standard bearer ng Partido Reporma, nagpapakita ito ng kanyang “leadership by example” para maibalik ang tiwala ng taumbayan sa gobyerno.
“My first 100 days in office will also lay the foundation for a clean government. To ensure our people that ‘leadership by example’ will set the tone of my administration, I will lead the way by signing a waiver of my rights under the Bank Secrecy Law and encourage all the members of the cabinet, down to the rank and file to do the same,” ani Lacson nang siya ay dumalo sa Philippine Chamber of Commerce and Industry 47th Philippine Business Conference and Expo.
Related: Lacson to Waive Bank Secrecy Rights on First Day of Presidency
Continue reading “Ping, Handang Bawiin ang Karapatan sa Bank Secrecy sa Unang Araw ng Panunungkulan”