
Maaaring maging tagapagligtas ng mga motoristang dumadaaan sa Baguio-La Trinidad-Itogon-Sablan-Tuba-Tublay (BLISTT) Road project ang bahagi ng P75 bilyon na tinanggal ng Senado mula sa 2019 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, na nakabisto sa naturang singit na pondo, isa sa kanyang tinitingnan na paglilipatan ng bahagi ng pondo ay ang slope protection sa BLISTT.
“If my other colleagues will allow … we might give part of the P75 billion to the DPWH for slope protection work in Cordillera,” pagbubunyag ni Lacson.
Sa mga kalsadang sakop ng BLISTT project, karaniwan nang problema ng mga motorista ang mga landslides dahil hindi naging maayos ang paglalagay ng slope protection sa mga ito, dahilan para gumuho kahit sa hindi kalakasang pag-ulan.
Related:
At a Glance: Issues Hounding the DPWH’s Sariaya, BLISTT Projects
Lacson Eyes P75-B ‘Deleted’ from DPWH’s Proposed 2019 Budget for BLISTT Road Slope Protection
Continue reading “Ping: Ilang Buwis-Buhay na Kalsada sa CAR, Mababahaginan sa P75-B na Kinaltas sa DPWH”