
May sapat na pondo ang pamahalaan para makamit ang target na herd immunity laban sa COVID-19 para sa taon na ito, at ang kailangan lamang ay tiyakin na hindi kapusin ang suplay at maipamahagi nang tama ang mga bakuna.
Ito ang natumbok ni Senador Panfilo Lacson batay sa mga datus na inilabas ni Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III sa Committee of the Whole hearing ng Senado sa programa ng pamahalaan sa pagbabakuna nitong Martes.
Batay sa pag-aaral ni Lacson, may sobra pang P5 bilyon ang pamahalaan kung ang target sa herd immunity ngayong 2021 ang pagbabatayan.
“At P446 per dose including logistical costs, we will need P52.3 billion. We have already secured P57.3 billion through borrowings, so we have a surplus of P5 billion for herd immunity,” banggit ni Lacson sa pagdinig.
“So money is not the problem here. Ang kailangan na lang dito maka-procure ng vaccines at may rollout,” dagdag ni Lacson.
Related: Lacson, Sotto: We Have Enough Funds to Achieve Herd Immunity for 2021
Continue reading “Ping at SP Sotto: Pondo ’Di Problema; Suplay at Rollout Pagbutihin para sa Herd Immunity”