Nasa mahigit P126 bilyon na ang aprubadong utang ng bansa para sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19. Pero bukod sa donasyon ng Tsina at COVAX, nasaan ang mga bakunang dapat ay nabili sa pamamagitan ng naturang pondo?
Tanong ito ni Senador Panfilo Lacson matapos tingnan ang impormasyon mula sa World Bank (WB), Asian Development Bank (ADB) at Asian Infrastracture Investment Bank, at ng Department of Finance (DOF).
“Magpakatotoo sana, doon muna sa basic. Sabihin lang ang totoo. So long as the concerned authorities do not recognize the problem, we cannot come up with a solution. Bigyan talaga ang lowdown sa Pilipino at maging decisive sana,” paliwanag ni Lacson sa panayam ng SMNI.
Related: Nasaan ang Bakuna? Lacson Says Filipinos Deserve Lowdown on Vaccines Amid Loans
Ayon kay Lacson, inaprubahan na ng WB, ADB at AIIB ang utang sa Pilipinas, kasama na ang:
* April 20, 2020: US$100M
* May 28, 2020: US$500M
* Dec 16, 2020: US$600M
* Mar 12, 2021: US$500M
* March 2021: US$400M
* March 2021: US$300M
* P10B – DOH Bayanihan budget
“Nasaan ka bakuna?” banggit ni Lacson sa kanyang Twitter account.
WB/ADB/AIIB approved loans for Ph Covid vaccines:
April 20,2020 – US$100M
May 28, 2020 – US$500M
Dec 16, 2020 – US$600M
Mar 12, 2021 – US$500M
Mar, 2021 – US$400M
Mar, 2021 – US$300M
plus:
P10B – DOH Bayanihan budget
equals:
P126.75B@P48.64 per US$1
NASAAN KA BAKUNA?— PING LACSON (@iampinglacson) March 17, 2021
Nilinaw ng mambabatas na hindi niya hinahanap ang naturang pondo dahil naging tiniyak naman ng DOF na ang perang inutang ay diretsong mapupunta sa mga supplier.
Ayon pa kay Lacson, naging maagap umano ang DOF sa paghahanap ng pondo upang makuha ng bansa ang tsansang mapabilang sa mga mapapauna sa mga bakuna subali’t hindi naman ginawa ng ibang naatasan ang kanilang responsibilidad.
“Finance Secretary Carlos Dominguez III had repeatedly said we have enough funds and the DOF should be commended for having the foresight in taking the initiative to negotiate for the loans much ahead of time. However, no matter how efficient the DOF team is, why did the other team not act early?” banggit ni Lacson.
Pero kung hindi rin lamang matutupad ang mga ipinapangako, dapat na iwasan ng mga kinauukulan na magsiwalat ng mga detalye dahil nakakadagdag lamang ito sa pagkadismaya ng mga tao.
Sa usapin ng target ng gobyerno na makapagbakuna ng 450,000 katao araw-araw umpisa sa Abril, nakahanda ang mambabatas na pangunahan ang pagsasampa ang resolusyong naglalayong magdeklara kina Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at vaccine czar Carlito Galvez Jr. bilang makabagong bayani, kung ito ay matutupad.
“Let’s make this happen and I will spearhead the adoption of a Senate resolution hailing those in charge of the country’s vaccination program as modern day heroes,” banggit ni Lacson sa kanyang Twitter account.
Let’s make this happen and I will spearhead the adoption of a Senate resolution hailing those in charge of the country’s vaccination program as modern day heroes. https://t.co/0B606muR6P
— PING LACSON (@iampinglacson) March 17, 2021
Pero malayo umano sa katotohanan ang naturang senaryo kung pagbabatayan ang mga nakaraang pangyayari.
“It would be better if our authorities refrain from giving such statements because it is government’s credibility that suffers, and the people will doubt them all the more because they know when they are being taken for a ride,” ayon pa kay Lacson.
Ipinaalala ng senador sa pamahalaan na ituring na katuwang ang pribadong sektor laban sa COVID-19 para bumilis ang pagdating ng bakuna sa bansa dahil ang pag-alalay ng naturang sektor ay una nang nasubukan sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Yolanda, kung saan ay tumayo siya bilang Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery (PARR).
Dagdag pa niya, bagama’t parehong may pagkukulang ang pamahalaan at ang publiko ngayong panahon ng pandemya, mas malaki umano ang responsibilidad na kailangan na balikatin ng una.
“Kung hindi sana nag-overregulate sa pag-procure ng vaccines kasi may pera namang available mula sa approved loans that DOF having the foresight to anticipate the ‘crowding’ took the initiative to negotiate as early as March or April. Sayang,” banggit ng senador.
Marami pa umanong kailangang gawin para malagpasan ng bansa ang banta ng COVID gaya ng ginagawa ng Estados Unidos na halos kada 10 segundo ay nakakapagturok sila ng isang bakuna.
“Unless some drastic and innovative steps are undertaken, we might all die waiting,” pahabol ng mambabatas.
Sec Galvez and Sec Duque, let’s learn from this and save our people’s lives. pic.twitter.com/csO5juGELK
— PING LACSON (@iampinglacson) March 20, 2021
*****
One thought on “Ping: Nasaan Ka, Bakuna?”
Comments are closed.