
Matatapos na ang pamamayagpag ng mga testigong nagbibigay ng mapanlinlang at pagsisinungaling na testimonya sa mga pagdinig para manira ng reputasyon at magpahamak ng ibang tao, matapos umusad na sa Senado ang panukalang nagbibigay ng pinabigat na parusa sa mga ito.
Sumalang na sa sponsorship sa plenaryo ang Senate Bill 1354 na natutungkol sa pagpapataw ng parusa sa mga nabanggit na klase ng testigo na ang pakay ay manira at manghiya sa publiko ng mga target nila.
Sinegundahan ni Senador Panfilo M. Lacson si Senador Richard Gordon sa pagsalang sa plenaryo ng panukala sa pamamagitan ng co-sponsorship, para matiyak na hindi na mangyayari sa iba ang masamang karanasan niya sa mga sumira sa kanyang pagkatao sa pamamagitan ng imbentong kuwento bilang testigo.
“It goes without saying that this measure will deter the commission of the crimes of false testimony and perjury in solemn affirmation and uphold the sacredness of oath in testimonies and sworn statements by increasing the penalty for their commission. It is for these reasons that I fully support the passage of this measure,” banggit ng mambabatas sa kanyang co-sponsorship speech sa hybrid session ng Senado noong Miyerkules.
Related: To Finally End False Testimonies: Lacson Bats for Swift Passage of Harsh Anti-Perjury Bill
Continue reading “Parusang Malupit vs Mapanlinlang na Testigo, Mabubuo na sa Senado” →
Like this:
Like Loading...