Ping, May Buwelta vs Fake Witnesses

SB 28 False Testimony Act

Mas matalas na batas laban sa pagsisinungaling ang susi sa dumarami nang insidente sa korte at lehislatura sa kabila ng pagiging “under oath” ng mga pinagsasalita.

Ito ang nakikitang solusyon ni Senador Panfilo Lacson para matigil na ang pagkakalat ng mali at mapanirang impormasyon gaya ng ginawa nina Atty. Jude Sabio, Peter Joemel “Bikoy” Advincula, Rodney “Ninja Cop” Baloyo IV, Edgar Matobato, Arturo LascaΓ±as, Cezar Mancao II at Mary “Rosebud” Ong.

“Naging tig-singkong duling na lang ang pagsisinungaling under oath sa Pilipinas. That is why there is a compelling need for a stronger perjury law,” banggit ni Lacson.

Related: Lacson Stresses Need for Heavier Penalties vs Lying Witnesses

Kamakailan lamang ay pinahayag ni Sabio na iuurong niya ang reklamong naunang isinampa niya sa International Criminal Court (ICC) laban kay Pangulong Rodrigo Duterte, dahil daw ang unang isinampa niyang kaso ay “politically motivated.”

Noong 2019, nagalit ang senador at ipina-contempt si Baloyo dahil sa pagbigay ng maling testimonya tungkol sa operasyon ng “ninja cops” na kinabibilangan.

Binalikan din ni Lacson ang pagtatangka ni Advincula na iugnay sa operasyon ng droga ang pamilya Duterte pero sa bandang huli ay binawi rin ang testimonya.

Bukod sa nabanggit, sa kanyang mga unang taon bilang miyembro ng lehislatura, hindi rin tinigilan si Lacson ng paninirang puri buhat sa mga tulad ni Ong, Mancao at Mawanay, na pakawala ng dating administrasyon na gustong ipakulong si Lacson.

“Our present perjury law only carries a prison term of six months up to two years and two months. With a penalty that light, we can expect lying witnesses not only in Senate hearings but even before the courts,” paliwanag ni Lacson.

Isa mga hakbnang ni Lacson para baguhin ito ay ang pagsasampa ng Senate Bill 28 na naglalayong bigyan ng mabigat na parusa para sa nabanggit na gawain.

β€œIt is noteworthy that because of these untruthful and inconsistent statements, we have witnessed how some men were robbed of their youth and freedom for a long period of time only to be freed later on account that the reason for their incarceration was based on a β€˜polluted source,’” diin ni Lacson.

Sa ilalim nito, kapag napatunayang nagsisinungaling ang testigo, ipapataw din sa kanya ang parusang ibibigay ng hukuman sa akusado.

Kaparehong parusa din ang ipapataw sa mga opisyal o kawani ng pamahalaan na mapapatunayang nagturo para magsinungaling ang sumabit na testigo.

*****