In interviews on DZBB, Sen. Lacson answers questions on ‘Bikoy,’ including:
– the decision to cancel the May 10 Senate hearing for ‘Bikoy’
– need to legislate tougher penalties vs fake testimonies
– Bikoy claim he wants to face Senate after and not before May 13 elections
– claims that senators have already prejudged Bikoy
Quotes from the interviews…
On the decision to cancel the May 10 hearing for ‘Bikoy’:
“Papatulan pa ba natin? Napaka-glaring ang alam natin na gawa-gawa talaga.”
“Wala na. Mag-send out na notice na kina-cancel ang pagdinig at wala nang pagdinig na pangyayari tungkol sa issue na nilabas ni Bikoy. It doesn’t make sense.”
“Kaya naman kasi nagkaroon ng curiosity and interest dahil scripted eh. Ang Bikoy video series nakapag-arouse ng interest ng mga tao lalo na’t First Family ang ini-involve. Ang isang pagkakamali ni Bikoy ang paglantad niya. Siguro kung nanatili siyang anonymous, nagtago na lang as alias Bikoy at nanatiling nakakanlong, di nagpakita, di siya mamalasin nang ganito. Alam mo mainam si SP, masinop sa files. Agad-agad naalala niya di niya maalala kung tama ang apelyidong Advincula. Pero nanatili sa memory niya. So noong kinalkal ang kanyang files nakita nga at may sinumpaang salaysay at pinakita kanina.”
“Binaligtad, mga pangalan lang, cast of characters lang pinalitan. Pero masasabi ko rin isang pagkakamali niya, trabahong tamad. Di na nagbago ng identity code. Kung makikita ninyo kanina identity code ni Paolo Duterte pareho rin ang identity code na ginamit sa 2016 sa ibang tao naman, 0029 Alpha Sierra binaligtad lang niya Sierra Alpha. So medyo trabahong tamad, di masyadong nagisip. Akala niya he can get away.”
“Sinasabi lang natin na ang preference ng Senado bago mag-election gawa ng kanyang paratang, may kaugnayan o may epekto sa magiging pagpili ng mga kandidato ng mga botante. Yun lang naman yan. Pero hindi yan na kung wala sa Biyernes, e wala na. Pero sabi ko nga may bagong developments dahil sinabi ko rin naman unless may mag-intervene na event, between now and Friday, kayo (publiko) na rin talaga makakapag-decide kung nararapat pa bang pakinggan o hindi. Ako may idea dahil binigyan ako ng kopya ng mga dokumentong ibinahagi ni Bikoy kay SP noong December 2016 pa.”
“Sa Biyernes para lang talaga kay Bikoy lang yan para marinig natin ang kanyang pinahayag kung paano niya sususugan ang kanyang mga video release, ang serye, at pinahayag niya nang nag-presscon siya sa IBP. Pero depende nga kung meron siyang masasabi roon at meron siyang kaukulang ebidensya siyempre papatawag natin yan, may follow-up inquiry na gagawin ang Senado.”
On the need to legislate tougher penalties vs perjury:
“Ako naman kaya noon gusto ko rin magkaroon ng pagdinig sana noon before ito, dahil apektado ang botohan sa Lunes. Kasi kung nakabitin ito, at may naakusahan na walang pagkakataon para ma-evaluate ng publiko sa pamamagitan ng public hearing, nakabitin yan, maraming may agam-agam, baka totoo nga, di ko iboboto ang mga inendorso ng Pangulo at kung wala palang laman at kita sa pag-testify ang gawa-gawa niya, mamumulat din ang botante. Ay kawawa itong inendorso ni Pangulo dahil siya ang tinatarget. Kaya nang nagsabi kagabi si Bikoy gusto niya after election na sabi ko teka muna ang katotohanan ba nagbabago? Before election after election iisa lang naman yan eh.”
“Naka-file ako ng bill, SB 253 dahil sa nangyari kina Matobato, Lascanas nag-file ako ng bill, naka-pending sa committee on justice and human rights. I was hoping dinggin dito sa committee para mapagusapan sa plenaryo. Tinataas ang parusa sa pagsisinungaling under oath na perjurious statement.”
On whether Bikoy acted alone or was part of a bigger plan:
“Bahala na siguro ang executive department, DOJ NBI and PNP para magsagawa ng mas malalim na investigation kung solo flight si Bikoy o may nasa likod.”
“Kawawa rin si Sen Leila kasi di ba meron siyang pahayag na tingnan mabuti ang sinasabi ni Bikoy. Kaya nang nabasa ko ang kanyang pahayag naisip ko lang na if she only knew noong 2016 siya ang dinadawit palagay ko di siya magpapahayag ng ganyan.”
“Mas malala si Bikoy kesa kay Mawanay. Si Mawanay minsanan lang, ito paulit-ulit. Hindi natin alam, ang background niya estapador. Tingin ko rito, baka nagbabakasalaki ang idadawit niya pwedeng makipagusap sa kanya. Kasi malalaking tao eh. Si Zaldy Co constructor tapos sina gobernador. Kung makikipag-compromise sa kanya huwag ilabas yan at ganito na lang bigyan ng ano, baka yan din ang kanyang purpose. Estafa ang kanyang (racket).”
On Bikoy’s claim he wants to face Senate after, not before, May 13 polls:
“Ang nangyari kagabi nagkaroon siya ng pagpapahayag kasi course namin ang invitation sa IBP kasi last known na pwedeng pagtuntunan sa kanya pero naging public notice na rin kung nakarating sa kanya. At nagpahayag siya kahapon sa media, gusto niya after election na humarap.”
“Hindi naman siya pwede magdikta sa Senado. At ang katotohanan bago mag-election, wala namang pagkakiba sa katotohanan pagkatapos ng election. Ang dahilan naman kung bakit minabuti namin bago mag-election, kasi ang kanyang pagpaparatang pwede makaepekto sa mga botante dahil pinangalanan niya especially si SAP Bong Go, tapos inakusahan niya ang First Family. Ang alam natin may ineendorsong kandidato si PRRD.”
“Kung haharap siya bago mag-election, ang publiko magkakaroon ng idea kung may laman ba ang kanyang sinasabi pagbasehan at baka magdesisyon pagdating ng Lunes sa polling precinct. Kung walang sustansya ang sinasabi niya, in fairness to those maapektuhan ng kanyang sinasabi, at least in fairness to those naapektuhan ng kanyang pag-aakusa, e makakapag-decide nang maayos ang mga boboto. Yan ang dahilan minabuti namin sana bago mag-election. Pero dahil ganoon ang kanyang pahayag, palagay ko ma-overtake na naman siya ng developments.”
“Mamayang mga 9:30 si SP magkakaroon ng pagpapahayag at pagpupulong sa mamamahayag at alam mo noong December 2016, nakipagugnayan sa kanya si Bikoy. Ginawa ni SP pinadala ang kanyang staff sa NBP para makipagusap sa kanya. Katunayan nagpadala ng sinumpaang salaysay pirmado niya at may supporting document. E masinop pala sa files si SP, kinalkal niya ang kanyang files. Nakita niya ang SS dated Dec 2016. At yan ang papahayag niya ano ang laman. Binigyan niya ako ng kopya pero mas mainam si SP na magpahayag mamayang umaga.”
“Gusto man natin o hindi naging political issue at naging election issue na rin ito. May relation na sa election. Mas mainam sana sa Biyernes pero mukhang di mangyayari. At dahil sinabi niya di siya dadalo at ang gusto niya after election, pero matapos pagpapahayag ni SP Sotto palagay ko mauunawaan nng publiko wala na ring saysay pakinggan si Bikoy.”
“Alam mo, kung nagtanggal siya ng kanyang talukbong noong unmask niya sarili niya, ang masasabi ko lang mamaya tatanggalin ni SP ang buong robe.”
On claims that senators have prejudged Bikoy:
“Yan ang hindi totoo. Kung ganoon din lang bakit namin papatawag si Bikoy sa Biyernes? Gusto namin siya marinig. Kung talagang idi-disregard, e di huwag na lang natin pakinggan at di namin pag-abalahan na papadala ng invitation. Pero kami mismo napursigi na siya maghayag ng nalalaman sa publiko pero siya na ngayon ang umaatras.”
“Ginagawa naman namin yan, ang background investigation and record check. Habang nagpadala kami ng invitation nagsasagawa talaga kami ng masusing RCBI, record check and background investigation. Ito nga bahagi ng ginawa naming background investigation ang dokumentong ilalahad mamaya ni SP.”
On claims that Bikoy’s life is in danger:
“Wala akong personal knowledge kung talagang meron man o wala.”
“Pwede namin garantihan yan kung inaakala niyang delikado buhay niya meron kaming security contingent pwede siyang humingi ng sanctuary sa Senado, pagbibigyan namin siya at siyempre ang decision manggagaling sa mayorya.”
*****