Ang pag-aresto sa magkapatid na Dargani kaugnay ng imbestigasyon ng Senado sa mga iregularidad sa pagbili ng medical supplies ay nagpapakita lamang na walang sasantuhin sa nangyaring gusot na ito, ayon kay Senador Ping Lacson nitong Lunes.
Ayon kay Lacson, ang pag-aresto ng mga tauhan ng Office of the Senate Sergeant-At-Arms (OSAA) kina Mohit at Twinkle Dargani nitong Linggo ay isang patunay na walang ligtas na kanlungan para sa kanila, maging sa Davao City.
“Kung inaakala ng magkapatid na Dargani na safe haven ang Davao City, just like Michael Yang and Christopher Lao are thinking, they should think again. There is no such thing as a safe haven on earth,” giit ni Lacson.
Related: Lacson: Darganis’ Arrest Shows No Safe Haven for Pharmally Mess Personalities
Continue reading “Ping: Pag-aresto kina Dargani, Nagpapakita na Walang ‘Safe Haven’ para sa mga Sangkot”