Kailangang gawing prayoridad ng gobyerno ang pagkakaroon ng emergency employment program at mga food terminal sa bawa’t rehyon para matugunan ang kawalan ng trabaho, ani Senador Panfilo “Ping” Lacson nitong Sabado.
Ayon kay Lacson, kasama ito sa mga adjustment na kailangang gawin ng gobyerno para makabangon sa epekto ng pandemya sa ating ekonomiya at kalusugan – habang patuloy itong sumisikap para ma-kontrol ang Covid at masugpo ang korapsyon.
“Kung interim, sa emergency employment, government internship. Or sa mga mas mataas ang qualification, pwedeng kausapin ang private sector na tanggapin sa internship program nila. Gamitin na ring opportunity sa pag-harness ng kanilang skills,” ani Lacson sa kanyang panayam sa DZRH.
Related: Lacson Pushes Emergency Employment, Local Food Terminals to Help Address Joblessness
Continue reading “Ping, Isinusulong ang Emergency Employment, Local Food Terminals Para Matugunan ang Kawalan ng Trabaho”