Ituring na katuwang ang pribadong sektor at mga lokal na pamahalaan sa programang pagbabakuna ng pamahalaan laban sa COVID-19, sa halip na tratuhin sila bilang kakompetensiya.
Kasabay nito, nanawagan si Senador Panfilo Lacson na mas palakasin ang partisipasyon ng pribadong sektor at mga lokal na pamahalaan sa naturang programa sa pamamagitan ng pagluluwag sa mga ito na makaangkat at maisagawa ang proseso ng pagbabakuna.
Ang kailangan lamang umano ay matiyak ang regular na koordinasyon ng mga ito sa mga mangangasiwa sa programa, ang Department of Health (DOH) at National Task Force Against COVID-19.
“One common mistake that every administration commits is treating the private sector as competitors through over-regulation instead of partners especially during the time of crisis such as this pandemic that we are confronting now,” banggit ni Lacson.
“Let’s face the reality that the private sector does not go through the same bureaucratic delays that their counterpart in the public sector suffers from,” obserbasyon ng mambabatas.
Related: Lacson Pushes Greater Private Sector, LGU Participation in Vaccination Program
Continue reading “Ping: Partisipasyon ng Pribadong Sektor, LGU sa Vaccination Program Palakasin”