Malinaw na malinaw ang mga senyales na may “chosen one” na bakuna laban sa COVID-19 ang gobyerno, sa kabila ng kawalan pa ng Emergency Use Authorization (EUA) sa kahit na anong kumpanyang gumagawa nito.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, ang binabanggit ng gobyerno na Sinovac lamang ang puwedeng magamit hanggang sa Hunyo ay nagpapatunay ng pagkakaroon na ng “chosen one” na bakuna.
“Can somebody explain why preference is given to the second most expensive vaccine, has lower efficacy, a record of suspended clinical trials and has not even applied for Emergency Use Authorization (EUA) over other vaccines that cost much less, more efficacious and are about to be granted their EUAs?” banggit ni Lacson sa Twitter.
Mas makatuwiran umano para sa mga Pinoy kung ang pagtrato ng gobyerno sa Sinovac ay gagawin din sa mga bakuna ng ibang bansa na di-hamak na mas epektibo at mas mababa ang presyo, ayon sa mambabatas.
“That said, the national government should expedite the procurement of all qualified and available vaccines. To borrow Secretary Harry Roque Jr.’s words, it should not be choosy in buying vaccines,” diin ni Lacson.
Related: Why Choosy? Lacson Scores Sinovac’s 5-Month Headway
Can somebody explain why preference is given to the second most expensive vaccine, has lower efficacy, a record of suspended clinical trials and has not even applied for EUA over other vaccines that cost much less, more efficacious and are about to be granted their EUA’s?
— PING LACSON (@iampinglacson) January 12, 2021
Sa nakaraang pagdinig ng Senado tungkol sa bakuna sa COVID-19, una na ring binanggit ng mga opisyal ng Ehekutibo na dumalo na may aangkatin na silang bakunang Sinovac.
Nagtataka si Lacson kung bakit limang buwan na mistulang masosolo ng Sinovac ang merkado ng Pilipinas gayung hindi pa ito nakakakuha ng EUA mula sa Food and Drug Administration (FDA) dahil sa usapin ng mga clinical trials.
Hindi rin maisip ng mambabatas kung bakit mas pinaboran ng gobyerno ang Sinovac na isang pribadong kumpanya, kumpara sa Chinese government-owned na Sinopharm na una nang nagpakita ng mas mataas na bisa batay sa resulta ng mga bansang unang gumamit nito gaya ng United Arab Emirates.
Ang Sinovac na nagkahahalaga ng P3,629 kada dalawang turok ay lumalabas na pangalawa sa pinakamahal ang presyo at nasa 50-70% ang efficacy rate kumpara sa Sinopharm ay may rekord na 79-86% na bisa.
Aminado rin si FDA Director General Eric Domingo sa pagdinig ng Senado na bagama’t hindi pa nag-aaplay ng EUA ang Sinovac, naghihintay na lamang ng approval ng ahensiya ang ibang naunang nag-aplay na ang mga resulta ay higit na mabibisa kumpara sa nabanggit na Chinese company.
Ayon kay Lacson, napansin nila sa pagdinig na pinaghandaan ng mga dumalo kung paano didepensahan ang Sinovac pati na ang direksyon ng pagsagot ng mga ito na kinabibilangan ng “will advise Sinovac to apply for EUA.”
“Vaccine czar Carlito Galvez Jr.’s reply that they will advise Sinovac to apply for an EUA – after concluding a contract with it – only made it obvious that Sinovac is really the chosen one,” banggit pa ni Lacson.
*****