Hindi na puwedeng itago ng mga personalidad na sangkot sa pagpapakalat ng ilegal na droga sa bangko ang mga perang kanilang nakulimbat sa pagbebenta ng mga ito, oras na maipatupad ang pag-amyenda sa Dangerous Drugs Act na isinusulong ni Senador Panfilo Lacson.
Sa Senate Bill 1025 na pinamagatang โAn Act Authorizing the Examination of Bank Deposits, Accounts and Records of Pushers, Manufacturers, Cultivators, Importers and Financiers of Dangerous Drugs, Amending for the Purpose Republic Act No. 9165 and for Other Purposes,โ na iniakda ng senador, dapat nang baklasin sa mga napoprotektahan ng nabanggit na batas ang mga bank accounts ng mga gumagawa, nag-aangkat, nagpapakalat at nagpopondo sa mga ilegal na droga.
Sa kasalukuyang sistema kasi, hirap na hirap umano ang mga awtoridad na tuntunin ang mga nakatagong pera ng mga sangkot sa ilegal na droga dahil napapabilang pa ang mga ito sa pinoprotektahan ng mga batas na umiiral.
Related:ย Lacson bill strips drug pushers, financiers of bank secrecy Continue reading “Lacson Bill: Kuwarta ng Drug Personalities Bawal na sa mga Bangko”