Bago pa man ikonsidera ang pag-aarmas sa mga civilian “volunteers” para maawat ang paglaganap ng krimen, dapat ipakita muna ng Philippine National Police (PNP) na kaya nitong protektahan ang publiko, ayon kay Senador Panfilo Lacson.
Ayon kay Lacson na namuno sa PNP taong 1999 hanggang 2001, dapat maging mas mahigpit ang PNP sa pag-isyu ng Permits to Carry Firearms Outside Residences (PTCFORs) sa mga sibliyan kabilang na ang mga senador, kongresman at iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan.
“The PNP should make it a point first to show that it is efficient, professional, and competent to protect civilians on the streets from malefactors – including those with unlicensed guns and irresponsible gun holders that make them a threat – before it issues PTCFORs to deputize civilian ‘volunteers’ as force multipliers,” paliwanag ni Lacson sa panayam ng Teleradyo.
“Otherwise, the public would wonder if the PNP is that helpless to ask for help from civilians,” dagdag ng mambabatas. “Besides, we do not want guns to end up with those prone to road rage and similar incidents.”
Read in ENGLISH: Lacson: PNP Should Serve and Protect Our Citizens, Not Arm Them
Continue reading “Ping: PNP Protektahan Dapat ang Mamamayan, Hindi Armasan”