
ROMBLON – Former Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson on Wednesday visited Romblon, where he assured residents of help to boost the province’s economic growth, including tourism.
Lacson met with the province’s residents as well as local officials led by Governor Jose Riano, Vice Governor Armando Gutierrez, and Rep. Eleandro Jesus Madrona.
“Romblon was the 10th fastest growing economy among the country’s provinces in 2023. I believe we can accelerate Romblon’s growth into a first-class province if we boost the tourism sector,” he told local officials and residents in Filipino, during a brief meeting.
Related: Ping Lacson Bumisita sa Romblon, Tutulong na Palaguin ang Ekonomiya Nito
He said one way this can be done is to extend the runway at the province’s lone airport. The Aquino administration had approved this but work on it was stalled due to the Covid pandemic in 2020.
Lacson said that should he earn a seat in the Senate in May, he may help address this by ensuring funding for the 900-meter extension of the airport’s runway, to allow more flights to and from Romblon.
“With direct flights, tourists can come in and further boost Romblon’s economic growth,” he said.
*****
Ping Lacson Bumisita sa Romblon, Tutulong na Palaguin ang Ekonomiya Nito
ROMBLON – Bumisita si dating Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Miyerkules sa Romblon, kung saan tiniyak niya sa mga residente ang kanyang tulong para palaguin ang ekonomiya ng probinsya, kabilang ang turismo.
Nakipagpulong si Lacson sa mga residente ng probinsya at pati na rin sa mga lokal na opisyal kabilang sina Gov. Jose Riano, Vice Gov. Armando Gutierrez, at Rep. Eleandro Jesus Madrona.
“Pinakamabilis ang pag-angat ng ekonomiya ang Romblon, No. 10. Iyan siguro hindi maraming nakakaalam kaya siguro sa national hindi nasusuporta kung ano man ang mga proyekto na dapat masuportahan like airport. Palagay ko mas mapapabilis kayong maging first-class province kung lalago ang turismo sa Romblon,” aniya sa mga residente at opisyal sa isang pagpupulong.
Ani Lacson, isang paraan para gawin ito ay ang pag-extend ng runway sa nag-iisang paliparan sa probinsya. Naaprubahan na ito ni dating Pangulong Benigno Aquino III nguni’t nahinto ang proyekto dahil sa Covid pandemic noong 2020.
Kung manalo si Lacson sa Senado sa Mayo, balak niyang tulungang tugunin ito sa pamamagitan ng pagtiyak ng sapat na pondo para sa pag-extend ng runway ng 900 metro, para magkaroon ng mas maraming flights papunta sa Romblon.
“Pati turista makakapasok dito so lalong aasenso ang economic growth ng Romblon,” ani Lacson.
*****

