
Posibleng ang pinaghihinalaang Indonesian suicide bomber na naaresto sa Sulu ang maging pangunang halimbawa o “test case” ng pagpapatupad ng Anti-Terrorism Act of 2020, partikular na sa provision sa “inchoate offenses.”
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, ang mga nakuhang pampasabog at gamit sa pagpapasabog sa suspek na si Nana Isirani (a.k.a Rezky Fantasya Rullie o Cici) ay indikasyong naghahanda ito para sa isang pag-atake.
“This is one example of an inchoate offense made punishable under the new Anti-Terrorism Law. By including inchoate offenses as punishable acts under the new measure, we are criminalizing the foregoing acts of the arrested suspects which include planning, preparation and facilitation of terrorism and possession of objects with knowledge or intent that these are to be used in the preparation for the commission of terrorism,” paliwanag ni Lacson, sponsor sa nabanggit na batas sa Senado, sa kanyang pagsasalita sa Philippine Army Multi-Sector Advisory Board Summit.
Si Rullie, kasama ang dalawa pang babaeng pinaniniwalaang mga asawa ng mga galamay ng Abu Sayyaf, ay naaresto sa Sulu noong Oktubre 10. Nakuha sa kanila ang mga nabanggit na gamit ng pampasabog na nakaipit sa vest.
Related: ‘Potential Test Case’ | Lacson: Suspected Indonesian Suicide Bomber Faces Charges for Violating Anti-Terrorism Act of 2020
Continue reading “Ping: Suspected Indonesian Suicide Bomber, Sampol sa Anti-Terrorism Act of 2020”