In an interview on PTV-4’s Laging Handa public briefing, Sen. Lacson answered questions on:
* Why the Anti-Terrorism Bill is urgent [21:12]
* DOH leadership woes in dealing with COVID-19 threat [23:15]
* National ID’s value amid pandemic [24:56]
* Implementing the GMRC Law [28:03]
QUOTES and NOTES:
* ANTI-TERRORISM BILL:
Communication with DOJ for Comments on the Bill:
“Hindi mismo kay Sec Guevarra kundi sa pinapadala na Usec mula’t sapul nang kami nagkaroon ng pagdinig dito, mga committee hearings. Even during floor deliberations nariyan ang Usec ng DOJ at maging sa roundtable discussions nang fina-fine-tune natin ang version ng batas, nariyan pa rin sila. Ang DOJ, member din siya ng ATC. So kailangan kami makipagugnayan sa kanila every step of the way.”
How Anti-Terrorism Act of 2020 Could Have Prevented 2017 Marawi Siege if it were in Place Then:
“Two things. Dalawang features sa ATB na hindi kasama sa HSA. Ang una ang tinatawag nating inchoate offenses. Pag sinabing inchoate offenses, hindi pa nangyayari ang harm, ang damage, pero ang pagpaplano, ang pag-training, pag-facilitate, tinatrato nating crime in itself. Kaya pwede na ring maparusahan. Kaya sinasabi natin nang tanungin ako ni Gov Bong Lacson ng Negros Occidental kung ma-preempt ba, sabi ko definitely kaya ma-preempt pero di natin sinasabing na-preempt dapat pero kaya i-preempt sana dahil sa mga bagong provision na narito.”
“Ang pangalawa, ang Terrorism Financing Prevention and Suppression Act na kulang sa mekanismo. Dinagdagan natin kung saan ang ATC pwede mag-request agad sa AMLC, naaayon naman sa batas ito, RA 10168, Terrorism Financing Prevention and Suppression Act, kung saan agad-agad pwedeng i-freeze ng AMLC, hindi ATC – lumabas ang controversy na binabanggit ng mga nagki-criticize para ma-freeze kaagad at para ma-deny ang resource ng mga terorista.”
“Ang nangyari sa Marawi Siege, hindi naman nagkulang ang intelligence doon kasi na-monitor nila pero wala silang legal tool to preempt kasi hindi pa kasama ang 2 provisions na nabanggit ko. So kung agad-agad nasawata ang flow of funds ng Maute-ISIS, kukulangin sila ng resources. At kung sakali … armado sila ng batas, malamang sa hindi, na-preempt nila. Yan ang context ng sinabi kong it could have been prevented.”
Critics Claim Definition of Terrorism Vague:
“Kung babasahin natin ang Sec 4 naroon lahat na definition ng terrorism, ang mga acts plus nature and context pati ang purpose. Ni-limit natin, ang guidelines natin, ACT + PURPOSE.”
“Dinagdagan pa natin ng provision dito na ang terrorism as defined, shall not include advocacy or protest. Ito nakapaloob sa Bill of Rights ng Constitution. Qualified natin na hindi kasama ang legitimate o advocacy, protest, dissent, stoppage of work, etc. naroon lahat yan. So hindi ko alam saan nanggaling ang malabo ang definition kasi kung binasa nila ang definition under Sec 4 hindi nila sasabihing malabo.”
Correcting Disinformation by Some Groups:
“Katulad ng opportunity na pinagkaloob ninyo sa akin ngayong umaga, lahat na available platform, nakausap ko na ang PNP, MAP, League of Provinces of the Philippines, at kung anong available platform para maipaliwanag at ma-enlighten ang ating mga kababayan para ang misplaced na kanilang perception bunga ng katakot takot na disinformation, misinformation at misinterpretation.”
“Halimbawa isang napaka-glaring na misinterpretation dito ang pinaka-controversial siguro ang lagi kong ine-explain ang Section 29, kung saan sinasabi nila binigyan ng authority o power ang ATC na i-authorize ang ating military personnel or law enforcement agents na mag-aresto. Yan ay napakalayo sa katotohanan. Kung babasahin natin title mismo ng Sec 29, Detention Without Judicial Warrant. Ang ating propose na ma-amend ang Art 125 ng RPC, hindi Rule 113 Sec 5. Hindi natin pwede amendahan kasi yan ang Rules of Court, SC ang pwede mag-revise ng Rules of Court tulad ng ginawa nila noong 1985, revise nila ang Rules of Court tungkol sa warrantless arrest. At binigyan natin ng katakot-takot na safeguards na existing under the HSA na agad-agad impormahan ang pinakamalapit na korte na pinangyarihan ng pag-aresto at saka copy furnished ang ATC. Dinagdagan natin ito na ang CHR kaagad ma-notify in writing ng mga nag-aresto based on a valid warrantless arrest. Ang binibigay na authorization in writing ng mga nag-aresto based on a valid warrantless arrest. Ang binibigay na authorization in writing ng ATC, hindi ang pag-arrest. Base sa lawful arrest under Rule 113, ang bibigyan ng written authorization ng ATC, yan ang magsasagawa ng custodial investigation. Hindi naman lahat na pulis o military, may special training sa pag-handle ng custodial investigation.”
“Ang experience ko nga noong Chief PNP ako hindi lahat na pulis marunong gumawa ng affidavit of arrest. Ang nagagawa pa noon, ang nagha-handl nge custodial investigation, and pag-imbestiga sa naarestong terorista na lawful or valid warrant of arrest na sumasang-ayon sa Sec 5, Rule 113.”
Claims that the Bill Covers Speeches, Rallies:
“Hindi. Pag inciting to sedition, ini-incite mo ang mga tao para mag-rebel. Ito ini-incite mo para mag-commit ng act of terrorism na properly and adequately defined under Sec 4. Sinama natin ang inciting to commit acts of terrorism kasi para sa pagpaplano pa lang o sa pag-recruit o pag-facilitate may karampatang action na pwedeng gawin ng ating alagad ng batas. Otherwise, magkukulang ang ngipin ng batas.”
“Alalahanin natin ang terrorism, laki ng damage hindi lang sa buhay ng tao mga inosenteng civilian ang target nito for maximum impact. Nangyari yan sa 9/11, sa Zamboanga, sa Marawi, at kung saan-saan pa. Ang target nila ang makapag-create o mag-sow ng fear o kaya takot na takot ang ating kababayan. So magkaibang magkaiba sa sinasabi inciting to sedition kasi yan nag-incite para mag-rebellion para i-take down ang gobyerno. Ito hindi, acts of terrorism ang pine-prevent natin dito.”
On Inchoate Offenses:
“Ang korte ang magsasabi na papasok sa inchoate offenses na tinatawag. Generally hindi naman napa-punish talaga ang inchoate offenses maliban na lang kung ang offense na yan, crime in itself tulad ng sinabi ko. Ang punishable na rin mismo ang inchoate offenses, halimbawa, may nakita ang pulis sa liblib na lugar sa Basilan o Sulu tapos nakakita silang mga tingin nilang terrorist, may simulation ng suicide vest, detonating devices, tapos nagte-training na sila. Alangan naman ang ating pulis maghihintay ng actual na pagsabog at hindi sila gagalaw, nakita nilang maliwanag na paghahanda ng mga facilities para magsagawa ng malawakang (pagsabog) sa iba’t ibang lugar tulad ng simbahan, palengke o kaya ang mga critical infrastructure tulad ng irrigation dams o kaya ang tore ng linya ng kuryente. Palagay ko di nararapat na ang pulis maghintay na hintayin natin sumabog bago umaksyon.”
“Di ba nararapat lang, kaya may tinatawag na inchoate offenses. Yan mismo dapat maging punishable kasi ang inchoate offense as described sa ating panukalang batas ay independent of sa pagsabog.”
Safeguards to Prevent Abuse:
“Unang una, kapag halimbawa naaresto base sa warrantless arrest under Rule 113 Sec 5, agad-agad kailangan i-notify ng pulis na nag-aresto ang huwes, ang ATC at CHR. At para hindi maabuso ang karapatang pantao, ang CHR dapat nariyan agad para mag-inspect, mag-imbestiga, kunin ang mga records. The mere failure on the part of the law enforcement agents to notify ang huwes, pwede siya makulong ng 10 taon. Bukod yan sa perpetual absolute disqualification from holding public office. At ang lahat na pension and retirement benefits, tanggal sa kanya, di niya makukuha. At kung hindi identified, halimbawa di nagpapa-identify ang nag-aresto, ang mananagot at makukulong ng 10 taon ay ang kanyang superior officer. Isa yan.”
“Pangalawa, ang ATC ang magde-deputize sa mga alagad ng batas na magsasagawa ng custodial investigation. At kung walang written authority as mentioned sa Sec 29, maski sinong Tom, Dick and Harry na member ng PNP o AFP ay (hindi pwede gumawa ng) custodial investigation. Sa pag-apply sa technical or electronic surveillance, CA ang ating binibigyan ng authority dito. Di lang RTC judge kasi RA 4200 ang anti-wiretapping act, RTC lang pwede na magbigay ng judicial authorization.”
“Ang isa pang safeguard dito, ang information o proceeds, lahat na makakalap na information o ebidensya sa pagwa-wiretap, classified yan. Hindi pwede ipakalat o ipamudmod, ang seguridad ng dokumento o na-wiretap na materials. Ang pwede lang mag-release, ang authorized division CA ang in-authorize ng SC ang pwede lang. At ganoon din, pag nag-violate ang alagad ng batas na nag-wiretap at ito hindi niya pinangalagaan o kaya dinelete niya yan, may tinanggal siya doon, kulong siya at ganoon din ang mga parusa, administrative and criminal.”
Encouraging Public Discourse, not Disinformation:
“Una, ine-encourage natin ang public discourse. Mag-ingay sila ngayon para mapag-usapan tulad ng ginagawa natin. Siguro kung hindi rin sila nag-ingay wala tayong pinaguusapan kasi walang controversy. Ine-encourage natin yan. Pero huwag lang mag-engage sa disinformation, misinformation sa pamamagitan ng parang malicious ang interpretation nila.”
“Ang Sec 29 nga, bakit pinipilit nila ang Sec 29 nag-refer sa inaamyendahan natin ang warrantless arrest? Ako paulit-ulit binasa ko ulit ang nilalagay diyan, kung babaguhin natin warrantless arrest yan na dapat title. E detention eh. Ibig sabihin, ito ang delivery ng person arrested without judicial warrant sa proper judicial authorities through the public prosecutor. Yan lang in-amend natin, hinabaan natin dati sa HSA 3 days yan, pero dito, ginawa nating (14) days. Kasi ang hiling ng ating security officials kung pwede raw 30 days. Ito pwede talaga i-amend ang Art 125 kasi general law yan under RPC. At maski paguusap ng constitutional convention delegates binalikan namin yan, ang 3 days na sinasabi ng kritiko na maximum under the Constitution, maliwanag na nagre-refer lang sa pagka sinuspindi ng Pangulo ang privilege of the writ of habeas corpus. Hindi ito sumasaklaw sa ibang krimen na sa ilalim ng RPC. Ang maliwanag sa usapan ni Commissioners Sarmiento and Padilla nang nagde-deliberate sila talagang naka-focus sila sa pag sinuspindi, kasi ang lesson ng martial law, ang tinitingnan nila noon pag sinuspindi ng Presidente ang privilege ng writ, forever makukulong without filing charges, so limit nila ng 3 days. Yan ang safeguard na pinasok nila sa 1987 Constitution.”
“Ang mga nagdi-disinform at misinterpret … dalhin ang 3 araw na safeguard doon sa pagka nasuspindi ang writ, pilit nilang dalhin na yan na raw ang maximum detention period pag nag-aresto ang police officers. Mali po yan. Ilang beses na pinapaliwanag doon lang sila naka-focus sa suspension of the privilege of the writ. At hindi naman na-restrict ng constitutional commission ang poder ng Kongreso na mag-amend ng batas o kaya ng policy decision. Ngayon ang 14 days na extendible by 10 days, by authority of the court, hindi ATC.”
“Another disinformation, sabi nila ATC raw mag-determine ng detention. Mali yan. Ang nagbibigay ng authorization sa period of detention ang batas mismo. Ang ATC coordinate lang, taga-monitor. Disinformation na pinapalabas nila, ATC magbibigay ng period of detention. Ang 10 days’ extension, korte naman ang pwede lang mag-authorize na mag-extend sa pamamagitan ng request, kailangan nila ikumbinsi ang court, ang ating law enforcement agents, na kung pwede … hindi rin ito arbitrary o unilateral sa ATC o sa law enforcement officers natin na basta na lang mag-extend.”
Urgency of Anti-Terrorism Measure:
“Ang terrorism, wala itong pinipiling time o border. Hindi natin pwede sabihan ang mga terorista pakiusap lang po, huwag muna kayo magbomba kasi may COVID. Hindi naman tayo papakinggan noon. At sila hinahanap nila oportunidad at maximum impact. So pag sinabing urgent, ang ATB is always an urgent measure. Kasi terrorism knows no timing or boundaries or borders. So dapat laging handa tayo sa pamamagitan ng isang potent o sabihin na nating may isang strong legal backbone tayo to address terrorism. Dito UN sa pamamagitan ng kanilang Security Council pati ang ating FATF kung saan nilista nila ang PH under gray list. Partially compliant lang tayo kasi walang mechanism ang RA 10168, ang Terrorism Financing Prevention and Suppression Act. Kaya nilagyan natin ng mechanism na kung ma-designate ng ATC base sa UNSC Resolution 1373, ang isang group o organization bilang terrorist organization, pwede mag-apply ng ex-parte sa CA, kumbinsihin ang CA na mag-proscribe o gumawa ng ex parte application para magsagawa ng electronic surveillance.”
Allaying Fears About the Anti-Terror Bill:
“Sana po huwag tayo basta makinig sa paulit ulit kong sinasabi na maling interpretation ng mga kumokontra. Kung talagang gusto natin malaman ang epekto nito, alalahanin natin ang nangyari sa Jolo Cathedral, Zamboanga Siege, Marawi Siege, pati Indonesian couple nakapasok na rito. Ang nangyari, No. 9 tayo sa buong mundo na most negatively impacted ng terorismo dahil kulang ang ating batas kumpara sa karatig bansa. Tayo ang nagiging safe haven. Ang ISIS gusto dito mag-estabish ng caliphate at palalawakin nila di lang sa Marawi kundi pati sa iba’t ibang lugar ng Mindanao, and God forbid, huwag naman sana, sa NCR. Nangyari na rin ilang pagsabog dito ang Rizal Day Bombing. Isipin natin kapag tayo lumalabas ng bahay o maski hindi tayo lumalabas ng bahay at may nangyaring pagsabog, di baa ng unang pumapasok na takot sa atin, it could have been me or it could have been my family.”
“So dapat magkaroon sana tayo ng tiwala sa ating pamahalaan, sa ating alagad ng batas kung saan hindi naman para abusuhin ito kaya katakot takot na safeguards ang ating nilagay rito para maiwasan ang abuso.”
***
* DOH SEC DUQUE and COVID THREAT:
Sec Duque still has President’s Trust Despite Issues:
“Unang una, prerogative ng Pangulo mag-hire and fire. At walang pwedeng magkwestyon. Ang kinukwestyon namin, kaming 14 senators na pumirma ng resolution nagpasa ng resolution calling for the resignation of Sec Duque. Kami pagkatapos namin, pinaka-latest mismong si Iloilo City Mayor Trenas, nanawagan din sa pag-resign. Pati health workers natin nanawagan din na magpahinga muna si Sec Duque. But having said that, hindi natin kinukwestyon ang prerogative ng Pangulo para i-retain at bigyan ng tiwala.”
“Ang isang comment lang dito, mawalang galang lang, parang mali yata ang presumption o theory na pag mayaman na ang tao hindi magnanakaw. Di sang-ayon yata doon na pag ang isang tao pag sobrang dami ng bilyones wala na siyang gagawin to further enrich himself. Parang hindi tama ang teorya.”
***
* NATIONAL ID:
Usefulness of National ID System:
“Ako rin ang nag-sponsor nito. Noong dinidinig namin ito at ini-sponsor-an maingay rin ang progressive bloc kung saan ayaw na ayaw nila. Pero ngayon lalo na at nagkaroon ng pandemic, na-realize ng karamihan ng ating mga kababayan, of course, I hope pati mga progressive bloc, ma-realize din nila gaano kaimportante ang National ID sa ating pangkalahatan, sa ating lipunan.”
“Unang una mas madali ang pag-deliver ng social assistance ASAP kung saan tukoy agad natin kung sino ang dapat bigyan kaagad, ang poorest of the poor, mga below poverty line. Kung may National ID, hindi magkakaroon ng double counting o barangay chairman mag-aabuso na discretion ang ibibigay labag sa sinasaad ng Bayanihan Act na P5000-8000.”
“Ang huli naming paguusap sa teleconference kay Sec Karl Chua ng NEDA pati Sec Dominguez, September ang susunod nilang I think bidding na isasagawa para nang sa ganoon bago matapos ang taon makapag-rollout na kasi medyo delayed na ito. Naipasa ito 2018 at ang unang timeline nito, by Jan 2019 dapat na-rollout na ito. Postponed na ito May at postpone uli ng July, ngayon papunta September. At ngayon nangako ang NEDA at nangangasiwa nito, bago matapos ang termino ni PRRD kumpleto na, implemented na ang National ID. At napakalaking bagay nito, di lang sa security concerns natin kundi pati sa pagbigay ng tulong, social assistance, social programs ng gobyerno, napakalaking bagay nitong atng National ID.”
***
* GMRC Law:
Implementing the Law amid Pandemic:
“Isa ako sa mga co-authors dito at nagpapasalamat kami sa ating Pangulo at napirmahan na para maisabatas na. Pero naabutan tayo ng COVID-19 kaya dapat plantsahin nang husto kung paano maisasama sa curriculum. Sa aming pag-uusap hanggang Grade 3 ituturo. Ewan ko kung inabot mo ito pero kami umabot kami GMRC noong araw, talagang subject ito, talagang sinasadibdib namin ito dahil uso pa ang mga teacher noon at saka pinipingas sa tenga kaya kami talagang sunod kami talaga sa mga maestro at talagang nakatagot sa dibdib namin ang GMRC.”
“Sana magawan ng sapat na adjustments kung paano natin ipapatupad kaagad itong subject na GMRC. Call ito ng DepEd kung paano isasagawa sa pamamagitan ng outreach program kasi di pwede face to face muna ngayon so mas mainam na rin paghandaan paano natin effectively maipapatupad ang GMRC law.”
*****