Para maiwasan ang korapsyon at maling paggastos ng pondo, napapanahon na para ipasa ng gobyerno sa lokal na pamahalaan ang pagbili ng supplies at implementasyon ng kani-kanilang proyekto, ayon kay Senador Ping Lacson nitong Miyerkules.
Ayon kay Lacson, marami nang nagawang maling desisyon ang mga pambansang ahensya ng gobyerno sa procurement, kabilang na ang paglipat ng P42 bilyon sa Department of Budget and Management Procurement Service (PS-DBM), kung saan nakakuha ng bilyun-bilyong kontrata ang mga kahina-hinalang kompanya tulad ng Pharmally Pharmaceutical Corp. sa kabila ng kakulangan sa qualifications.
“Why don’t we devolve the procurement of medicines, drugs and other items? It’s about time. Time and again we have witnessed bad procurement by the DOH and other line agencies,” ani Lacson sa deliberasyon ng Senado sa P5.024-trilyong national budget para sa 2022.
Related: Lacson: Time to Devolve Procurement, Project Implementation Functions to LGUs
Continue reading “Ping: Panahon na Para Ibigay sa LGUs ang Procurement at Implementasyon ng Proyekto”