Dagdag pa ng senador na matagal nang isinusulong ang pagpapalakas sa LGUs, itinuring ng Commission on Audit na red flag ang pagbili ng DOH sa mga gamot na malapit nang mag-expire na nagkakahalaga ng P95 milyon.
“We’re now again putting in at least P30 billion under the House version of the budget bill to purchase drugs, medicines, medical and dental supplies. I’ve nothing against procurement of drugs and medicines but if we’re wasting money for the procurement of nearly expired or expiring drugs, what’s the sense of spending a lot of money?” giit ng senador.
Binigyang diin ni Lacson na mas maayos ang procurement na ginagawa ng mga LGU katulad ng mga biniling ambulansya na mayroon nang basic life support equipment.
Habang umaabot sa halagang P2.5 milyon kada isang ambulansya ang nabili ng DOH, P1.5 milyon lamang ang bili ng mga LGU sa parehong ambulansya na may kaparehong specifications.
“Mas mahal ang procurement ng national, there are 841 units,” sabi ni Lacson.
Samantala, napapanahon na rin aniya na wag mangialam ang gobyerno sa pagpapagawa ng mga maliliit na proyekto ng lokal na pamahalaan.
Ibinahagi ng senador na base sa mga nakaraang deliberasyon sa badyet, isinasantabi ang mahigit sa 80 porsyento ng mga rekomendasyon ng LGU na nakapaloob sa kanilang local development plans.
Sa panahon ding ito, naglabas ng circular si dating Budget Secretary Wendel Avisado na hindi maglalabas ng pondo ang DBM sa mga ahensya ng gobyerno kung walang formal endorsement mula sa Regional Development Councils.
“Why not unburden the Department of Public Works and Highways, Department of Transportation and other agencies so they can focus on big-ticket projects instead of involving themselves in smaller projects?” tanong ni Lacson.
Lumabas sa pagdinig na sa 119 na flagship infrastructure projects ng administrasyong Duterte, 14 lamang ang nakumpleto habang apat naman ang inaasahang matatapos pagdating ng Hunyo 2022.
Sinabi rin ni Lacson na ang pagpasa ng responsibilidad sa lokal na pamahalaan ay bilang pagsunod sa desisyon ng Korte Suprema hinggil sa Mandanas-Garcia ruling na layong magbigay ng mas maraming pondo sa LGUs. “If we don’t start now, I don’t think we can comply with the Mandanas ruling,” dagdag nito.
*****