Re-enacted man o maging batas na ang P3.7-trilyon na pambansang badyet para sa 2019, kailangang ipatupad na ngayong buwan ang umento sa suweldo ng mga kawani ng pamahalaan.
Ito ang naging tugon ni Senador Panfilo Lacson sa pagkakabalam sa pagpapatupad sa pagtaas sa suweldo ng mga empleyado ng pamahalaan, na ayon sa Department of Budget and Management (DBM) ay bunga ng hindi pa pagkakapasa sa pambansang gastusin para ngayong taon.
“Mr. DBM Secretary, implement the salary increase now. It is not unconstitutional. It has basis in law and there is PhP99.446 billion under the MPBF in the 2018 budget,” mensahe ni Lacson sa pamunuan ng ahensiya sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.
“Pointing to a re-enacted budget won’t fly,” dagdag pa ng mambabatas.
Related: Lacson: Reenacted Budget Doesn’t Block Government Workers’ Pay Hike
Continue reading “Ping: May Pondo sa Dagdag-Suweldo ng Gov’t Workers, Re-Enacted Man ang Badyet”