
Maagap na pamumuno, kooperasyon mula sa publiko at pagtugon base sa siyensya. Ito ang tatlong mahahalagang bagay na pipigil sa pagdagsa muli ng mga bagong kaso ng Covid na banta sa ating kalusugan at pagbangon ng ekonomiya, ayon kay Senador Ping Lacson.
Pinaalalahanan ni Lacson ang otoridad at ang publiko na makipagtulungan sa siyensya para mapigilan ang pagdating ng bagong wave ng Covid infections sa bansa matapos itaas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang alert level sa Metro Manila sa “3” kasunod ng pagdami muli ng kaso ng Covid.
Nitong Linggo, binigyang halimbawa ni Lacson ang ginawang hakbang ni Cavite Gov. Jonvic Remulla na i-reactivate ang provincial Center for Disease Control, at ang pagkokonsulta sa mga mayor hinggil sa pagtataas ng alert level bilang tugon sa pagdami ng Covid cases.
Related: Lacson: Proactive Leadership, Cooperation Needed to Keep New Covid Wave from Robbing Us of Health, Economy
Continue reading “Ping: Maagap na Pamumuno, Kooperasyon Kailangan para Mapigilan ang Pagdagsa Muli ng COVID”













