Patuloy na magiging pokus ng tambalang Lacson-Sotto ang pagbibigay kaalaman sa mga botante sa kasagsagan ng kanilang kampanya.
Ayon kay Senador Ping Lacson, patuloy ang kanilang pangungumbinsi sa mga botante na huwag ibase sa survey ang kanilang desisyon sa pagboto at sa halip ay bumoto ayon sa kanilang paniniwala kung sino ang pinaka-kwalipikado na maging susunod na mga lider ng bansa.
“We will continue to educate and enlighten our electorate. Qualification ang tingnan, hindi popularity. Sino ba may kakayahan, sino ang may experience, sino ang may competence and qualification, yan ang piliin nila. Huwag nila isipin boboto nila baka masayang ang boto,” ani Lacson sa Pandesal Forum sa Quezon City.
Related: Lacson, Sotto to Maintain Focus on Voter Enlightenment in Last Month of Campaign
Continue reading “Lacson-Sotto, Patuloy na Bibigyang Kaalaman ang mga Botante sa Kanilang Kampanya”