At the Pandesal Forum in Quezon City, Ping Lacson recalled memories of pandesal – and the value of honesty – on World Pandesal Day. He also answered questions on:
* Citizens’ role in stopping underground POGOs
* Issues on the new Senate building
* Strengthening the PNP’s internal cleansing
NOTES and QUOTES:
* WORLD PANDESAL DAY:
“Ito ang aking memories ng pandesal. Maliit pa kami, natatandaan ko honesty ng Pilipino noon. Ibabagsak ang pandesal, ang lalagyan niya parang lata, na may patunog. Alam namin madaling araw nandiyan na nagrarasyon ng pandesal. Ilalapag lang yan sa tarangkahan ng bahay. Hindi mawawala, walang kumukuha, wala pang bayad. Pag ikot uli saka lang babayaran. Yan ang honesty ng Pilipino na nami-miss natin ngayon. Ngayon mag-iwan ka ng pandesal sa tarangkahan, di mo na aabutin. Di mo na maalmusal. Pero noon ganoon talaga kaganda ang buhay natin.”
“Ang importante, pigilan natin ang kagutuman ng ating kababayan.”
***
* STOPPING UNDERGROUND POGOs:
“Maski noong legalized pa ang POGO dahil ang regulatory body nito ang PAGCOR, binigyan sila ng authority para mag-operate. So trabaho yan ng law enforcement, Dapat galingan nila ang intelligence network para tukuyin saan ang underground a.k.a. illegal POGO operations at hulihin nila para di na ito mamayagpag. Sa citizens naman tulad ninyo sa media, mas maganda meron kayong info, ipagbigay alam ninyo sa authorities para maging mahigpit ang pag-monitor and operate against underground POGOs.”
***
* NEW SENATE BUILDING:
“Ang culprit dito, variation order. During my stint as chairman of the Committee on Accounts natatandaan ko ito, when we met with DPWH representatives, sila ang designated point persons para sa Senate building, Kaharap na rin ang nanalong bidder, sabi ko sa kanila pwede patawarin ang NSB? Walang kalokohan ito, ako nakikiusap sa inyo dahil alam nilang ako ang masigasig mag-scrutinize o mag-question sa budget ng DPWH lalo ang mga unused appropriations and right of way na di nagagamit pero taun-taon pinopondohan. Kaya sabi ko kung pwede patawarin ninyo ito.”
“But in the course of time parang lumobo ng lumobo. But it will not justify the stoppage o huwag ituloy ang NSB. Why? For over 100 years, ang Senado laging umuupa. Ngayon umuupa kami sa GSIS, ang aming parking space umuupa sa SSS. At kung patuloy umupa tapos di magkakaroon ng sariling building. At pag may dumalaw sa amin na exchange visit ng parliamentarians from all over the world parang nakakahiya ang ating Senate building e ganoong itsura na nga, pagkatapos lessee pa ang Senado na di naman talaga pag-aari. So it’s about time naisip namin noon magpatayo ng sariling building ang Senado.”
“Ngayon dahil P33B, siguro mas magandang kung sakali makakabalik ako next year, mas maganda siguro ma-discuss ito sa caucus, mahimay nang husto. Ano naging dahilan bakit lumobo, nag-quadruple ang naging presyo ng NSB.”
“Dapat may consultation lagi sa mga senador, nag-slowdown na sila. Kung di tinamaan ng Covid ito, dapat matagal nang tapos ito. Target namin I think was 2022, third regular session dapat doon pupukpok ng gavel ang SP. So siguro gawing masinsinang consultation sa mga senador pati sa agency na in charge para sa construction, which is DPWH.”
***
* PNP’s INTERNAL CLEANSING:
* Strengthening the IAS:
“I think the PNP law should be revisited. Palakasin natin ang IAS. Meron yan pero hindi nagfa-function properly, Parang under din control ng CPNP. Dapat under separate service siya kung saan independent talaga para magsagawa sila ng inquiry or investigation against erring policemen.”
“Ang IAS natin dito, Director General din ang kanyang rank pero ang tauhan niya galing sa PNP. Mas maganda siguro independent, separate ang service, ang pinaka-branch niya na di na pwede bumalik sa PNP, di na pwede ma-reassign, nang sa ganoon talagang independent ang kanilang gagawing investigation.”
* Reward System in Anti-Drug War:
“Matagal naming nababalitaan yan nang panahon ni PRRD, pero walang nag-come forward para aminin o magsiwalat kung ano pa ang mga detalye sa reward system. Sa amin ang natutunan namin sa sa PMA, ang punishment and rewards, part and parcel of leadership. Kailangan marunong ka mag-motivate by way of giving incentives or rewards. Marunong ka ring manakot para mapasunod o madisiplina kung may nakaabang na punishment.”
“Pag ang reward ginamit sa maling pamamaraan, tulad ng naging ito na ang primary reason kung bakit pumapatay ng drug pusher o street pusher ang pulis dahil nag-aabang ng reward, medyo masama. Mukhang kailangang baguhin ang sistema. Sa ngayon walang talagang umiiral kundi kung maganda ang accomplishment mo, i-promote ka. Pero huwag na ang bibigyan ka ng cash reward pag may napatay ka kasi ang nangyayari nag-compete sila sa padamihan ng pinapatay.”
*****

