In an interview on One PH, Ping Lacson answers questions on:
* ‘Reward system’ in the previous admin’s anti-drug war
* Strengthening the PNP Internal Affairs Service
* Maintaining anti-pork stand
QUOTES and NOTES:
* ANTI-PORK STANCE
“I pledge to continue na hindi gagamit ng pork barrel. Hindi lang yan. patuloy ang pagbusisi ng national budget, yan ang lifeline ng economy ng bansa, if not the country itself.”
***
* ‘FPRRD’s ANTI-DRUG WAR:
* Reward System:
“Matagal na naming narinig na may incentive at reward kung may mapatay o mahuli lalo kung top level… Maganda sana, kasi punishment and reward. Sa amin din sa mission pag maganda accomplish, bibigyan mo ng incentive pero medalya, hindi pera.”
“Ang kasamaan kasi nito pag may reward, naging overeager ang (Ilan sa) ating kapulisan at minsan nauuwi sa personalan at kung hindi man, pinipilit maka-score para makakuha ng reward money. Yan din sinabi ni Gen. Garma.”
“Pardon the word, pero na-prostitute ang kalakaran sa operation laban sa droga.”
* Audit of Intel Funds:
“Ang intel fund kasi closed yan, di open sa audit. Pero pwedeng i-audit. Pero ang paggamit ng intel funds, restrictive yan. Kailangan may submit kang intel project bago bigyan ng funds. But it depends on the head of the office, PS commander, regional director ng PNP.”
“Dapat kung tutuusin, i-open yan without compromising classified info na nakapaloob sa intel project. Pero dapat ang intel fund ina-account din o ina-audit din. Di parang sige-sige na lang.”
“In the course of time na-experience namin ito sa pagbusisi sa budget. Maski sa karera ng kabayo may humihingi ng CIF. Pursue ko yan, bakit kailangan ng kabayo ng intel fund? Dapat limited yan sa law enforcement at intel unit.”
***
* STRENGTHENING THE PNP-IAS
“Kung sa aspect ng pagbalangkas ng batas, isasangguni ko unsolicited as it may be, dapat palakasin natin talaga at gawing independent ang PNP IAS kasi sa ngayon di masyadong nakaka-function. Kasi di tulad ibang bansa lalo sa US pag narinig ng pulis sila pinapatawag ng IA, alam nila totohanan at meron silang paglalagyan kung may kasalanan sila.”
“Tama ang pahayag ni SILG Remulla at ako sumasang-ayon sa kanya, talagang dapat alisin ang pulitika sa pulis. Tanggalin ang pag-pull ng strings ng local politicians at pulitiko na nakikialam sa operations ng pulis.”
“Kung meron man, dapat separate service, di pwede pabalik-balik sa IAS then mother unit. Sa IA, parang yan ang permanent service hanggang mag-retire ka para ma-insulate sa pulitika.”
*****

