Mas mainam magpakita ng pasasalamat sa tulong na ibinahagi ng tauhan ng pamahalaan kung sa halip na personal na regalo ay magbigay ng opisyal na donasyon sa ahensiyang kanilang pinagtatrabahuan.
Ito ang suhestiyon ni Senador Panfilo Lacson bilang pangunang hakbang para suriin at pinuhin sa mga batas laban sa katiwalian.
“Our laws should take into account Filipino values such as ‘utang na loob,’ as there are Filipinos who may be offended if their gesture of gratitude is declined,” pahayag ni Lacson.
Klinaro ni Lacson na dapat maging malinaw ang mga nilalaman ng batas laban katiwalian ang pagkonsidera sa kulturang kinasanayan na ng mga Pinoy kagaya ng utang na loob kung saan nagbibigay sila ng regalo sa mga nakatulong sa kanila.
“To be clear: Revisiting the law is not about providing excuses for accepting ‘gifts.’ This is about making our laws implementable and more attuned to our Filipino values. What good is a law if it cannot be implemented properly?” dagdag pa ng mambabatas.
Related: Lacson: Time to Revisit, Make Anti-Graft Laws More Implementable
Continue reading “Ping: Mas Mainam Mag-Donate sa Ahensiya, ‘wag nang Magregalo sa Tao”