Ping: Mas Mainam Mag-Donate sa Ahensiya, β€˜wag nang Magregalo sa Tao

bribery

Mas mainam magpakita ng pasasalamat sa tulong na ibinahagi ng tauhan ng pamahalaan kung sa halip na personal na regalo ay magbigay ng opisyal na donasyon sa ahensiyang kanilang pinagtatrabahuan.

Ito ang suhestiyon ni Senador Panfilo Lacson bilang pangunang hakbang para suriin at pinuhin sa mga batas laban sa katiwalian.

“Our laws should take into account Filipino values such as ‘utang na loob,’ as there are Filipinos who may be offended if their gesture of gratitude is declined,” pahayag ni Lacson.

Klinaro ni Lacson na dapat maging malinaw ang mga nilalaman ng batas laban katiwalian ang pagkonsidera sa kulturang kinasanayan na ng mga Pinoy kagaya ng utang na loob kung saan nagbibigay sila ng regalo sa mga nakatulong sa kanila.

“To be clear: Revisiting the law is not about providing excuses for accepting ‘gifts.’ This is about making our laws implementable and more attuned to our Filipino values. What good is a law if it cannot be implemented properly?” dagdag pa ng mambabatas.

Related: Lacson: Time to Revisit, Make Anti-Graft Laws More Implementable

Bilang halimbawa ay muling binalikan ni Lacson ang kanyang kapanahunan bilang Lieutenant Colonel sa Philippine Constabulary Metropolitan Command (PC-Metrocom), kung saan ni-rescue nila ang kidnap victim na si Robina Gokongwei.

Halos hindi siya tinigilan ng pamilya ng biktima at pilit na binibigyan ng pabuya sa ligtas na pagkaka-rescue sa biktima, subali’t hindi talaga niya ito tinanggap dahil sa kanyang no-take Policy, sa pangambang baka sa mga susunod na ganitong uri ng misyon ay hindi na kumilos ang kanyang pangkat kapag mahirap na mamamayan na ang nangangailangan ng tulong.

Kaya ang ginawa ng pamilya Gokongwei ay nag-donate na lamang sila ng mga patrol vehicles sa PC, at dinaan ang deed of donation sa noo’y PC Chief Maj. Gen. Fidel V. Ramos.

“The donation therefore carried in the inventory of government properties owned by the command, after I declined the reward money that they offered,” pagbubunyag pa ni Lacson, kasabay ng pagsasabing wala sa mga sasakyang ito ang na-issue sa kanya.

Dahil dito, nagamit ng buong organisasyon sa pagtupad sa tungkulin ang mga sasakyan galing sa pamilya Gokongwei.

Itinatag ni Lacson noong 2000 ang PNP Foundation, kung saan maaaring magbigay ng donasyon ang pribadong sektor at mga naglalayong tumulong para sa ikabubuti ng mga sangay at units ng ahensiya.

Binigyang diin pa ni Lacson na kailangan din umanong maging klaro ang “gratitude” at “bribery” sa mga batas na kagaya ng Republic Act 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees) at 3019 (Anti-Graft Act).

Sa ilalim ng RA 6713, maaring tumanggap ang isang public official at employeyado ng “gift of nominal value” bilang regalo o pagpapasalamat mula sa natulungan.

“Our present laws have no clear definition of what is nominal. What is nominal for one person may be of value for another. That is something we have to address so our authorities can implement the law,” paliwanag ni Lacson.

“If the present laws were implemented to the letter, how many people would be left in government?” pahabol pa nito.

*****