Ang malalaking rally na inoorganisa ng ibang kandidato ay hindi nangangahulugan ng solid na pagsuporta, ayon kay Senador Ping Lacson. Bagkus, ito aniya ay maaaring kagagawan lamang ng organizers na naatasan na mag-hakot ng mga dadalo sa kanilang rally.
Ibinahagi ito ni Lacson nitong Miyerkules matapos niyang malaman mula sa isa sa kanyang local support leaders sa Rizal na nilapitan ng isang “hakot” operator.
“Baka gusto ni Sen. Lacson at Sen. Sotto na magkaroon ng maraming tao sa rally, meron kaming mga tao at P500 per person,” pagbabahagi ni Lacson base sa kwento sa kanya ng kanyang organizer sa isang presscon matapos ang kanyang courtesy call kay Zamboanga City Mayor Isabelle “Beng” Climaco-Salazar.
Related: Lacson Thumbs Down ‘Hakot’ in Rallies
Continue reading “Ping, Tutol sa Paghahakot ng Tao sa Rally”