Kasabay ng pagdiriwang ng National Bible Day ngayong Lunes, Enero 31, hiniling ni Partido Reporma chairman at standard-bearer Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa mga Pilipino na pag-isipang mabuti ang pagpili sa ibobotong kandidato upang maging maayos ang buhay ng mga susunod pang henerasyon.
Sa kanyang mensahe bilang pakikisa sa 5th Annual Celebration of National Bible Day, ikinumpara ni Lacson ang dalawang magnanakaw na kasalukuyang naglipana sa ating lipunan: ang mga magnanakaw sa kalsada at magnanakaw na nasa gobyerno.
“Ang magnanakaw sa kalsada, pumipili ng nanakawan at nanakawin: biktimang walang laban upang agawin ang kanyang gamit—alahas man o salaping pinaghirapan, o anumang mahalagang ari-arian. Samantala, ang magnanakaw sa gobyerno, mamamayang Pilipino ang pumipili tuwing sasapit ang halalan,” pahayag ni Lacson.
Related: Lacson Cautions vs Electing ‘Thieves’ into Power
Continue reading “Ping May Paalala sa mga Botante Tungkol sa Magnanakaw”