“Tayo pa nga ang ‘nagsi-shade’ ng kanyang pangalan sa balota. At hindi siya namimili ng nanakawin. Wala siyang pakialam kung ang kanyang ninanakaw ay ang ating mga karapatan sa edukasyon, hanapbuhay, kalusugan at maayos at masaganang pamumuhay, at higit sa lahat, ang kinabukasan ng kabataan,” dagdag niya.
Dalangin ni Lacson nawa’y magsilbing paalala para sa lahat ng mga Pilipino ang selebrasyong ito upang maging mapanuri at magbalik ang determinasyon para sugpuin ang korapsyon sa ating bansa.
“For the longest time, we have witnessed how corruption, the worst form of thievery, continues to destroy our nation. And we only have ourselves to blame. I hope and pray that this day—the National Bible Day shall serve as a reminder,” aniya.
Binanggit ni Lacson ang bahagi ng Bibliya mula sa Akla ni John, Kabanata, Berso 10, kung saan sinabi ni Hesus na “dumarating ang magnanakaw para lamang magnakaw, pumatay, at manira.”.
“These words speak of our greatest challenge as a nation: the deeply entrenched thievery that steals and kills and destroys— a sin contrary to the law of God, so does the act of anyone who joins the thief by keeping a blind eye on his selfish act,” aniya.
Sabi pa ng presidential candidate, kung hindi magiging maingat ang mga Pilipino sa pagpili ng kanilang magiging lider, posibleng mas malala pa ang mararanasan natin sa susunod na anim na taon dahil sa mga magnanakaw.
“Just for one day, on Election Day, let us not allow ourselves to be partners of the thieves. Let us stand mightily against the evils of their actions. Let us continue to feed our spirit with the wisdom of God’s words and express our gratitude for the Light of Christ that guides our path against the wicked and towards the good,” paghimok ni Lacson sa mga botante.
Ang mensaheng ito ay kaugnay din sa isinusulong ni Lacson at ng kanyang running mate na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na “Aayusin ang gobyerno, aayusin ang buhay ng bawat Pilipino” at “Uubusin ang magnanakaw”.
Tiniyak ni Lacson na sa ilalim ng kanyang pamumuno, sakaling manalo siya bilang pangulo, magkakaroon ng malawakang paglilinis sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan upang mapaganda ang serbisyo sa taumbayan at maibalik ang tiwala sa gobyerno.
*****