Inaasahang mababawasan ang gastos ng publiko sa paggamit ng mga cell phones sa pakikipag-ugnayan sa isa’t isa sa loob ng bansa, bunga ng hakbang na isinagawa ni Senador Panfilo Lacson sa panukala sa Senado na magpapatino sa mga telecommunication companies (telcos).
Sa period of ammendments ng Senate Bill 1636 na tinaguriang Lifetime Cellphone Number Act, ipinadagdag ni Lacson ang probisyon na nagsasaad na tanggalin na ang interconnectivity charges na ipinapataw sa mga cellphone users kung tatawag o magtitext ang mga ito sa telco na kalaban ng kanilang provider.
Isang halimbawa nito ay ang singil sa text o tawag na ipinapataw sa isang Smart subscriber kung kokontakin ang Globe user at ganoon din kung ang gumagamit ng serbisyo ng huli ay kokonek sa una, kahit pa naka-register sila sa tinatawag na unlimited package.
Related:
Lifetime Cellphone Number bill: Sen. Lacson seeks to remove interconnection fees
To give consumers fair shake: Lacson moves to stop telcos from charging interconnection fees
Continue reading “Dagdag-Singil sa Text at Tawag ng mga Telco sa Kalabang Network, Aalisin Na”