BACOLOD City – Isinulong ni Senador Ping Lacson nitong Sabado ang digitalization ng mga proseso sa gobyerno para mapigilan ang pagpupuslit ng asukal at iba pang produktong pang-agrikultura.
Ayon kay Lacson, ang full automation lamang sa mga ahensya ng gobyerno ang makakalutas sa pagpupuslit ng mga produkto na siyang talamak sa industriya ng asukal sa probinsya.
“Ang kalaban ng sugar industry, simple lang – smuggling. Yan ang No. 1 na kalaban. Kasama sa program natin ang full digitalization,” giit ni Lacson sa panayam sa DYHB radio.
Related: Lacson Pushes Digitalization to Curb Sugar Smuggling
Continue reading “Ping: Digitalization Ang Sagot sa Pagpupuslit ng Asukal”