Mas klarong tulong ang makakamit ng mga kamag-anak ng mga pulis, bumbero at jail guard na napapatay o napapahamak habang gumaganap sa tungkulin, sa panukalang batas na isinusulong ni Senador at dating Philippine National Police (PNP) Chief Panfilo Lacson.
Sa Senate Bill 260, ipinaliwanag ni Lacson na hindi matatawaran ang serbisyo ng mga matinong pulis kung kaya’t dapat lamang umanong mabenipisyuhan nang higit na maayos ang mga kaanak ng mga ito sakaling mamatay o maging imbalido habang tumutupad sa tungkulin.
“It is high time that we provide the much-needed boost to our police personnel by showing our concern amidst the challenging role they play in our present society. One way of showing our concern is by giving support to the educational benefits of qualified dependents of police personnel,” paliwanag ni Lacson sa kanyang panukala.
Related:
Lacson bill expands special assistance to beneficiaries of uniformed personnel killed or wounded in duty Continue reading “Ping: Tulong Pa More sa mga Kaanak ng mga Pulis at Bumbero na Madidisgrasya sa Duty”

