Mas klarong tulong ang makakamit ng mga kamag-anak ng mga pulis, bumbero at jail guard na napapatay o napapahamak habang gumaganap sa tungkulin, sa panukalang batas na isinusulong ni Senador at dating Philippine National Police (PNP) Chief Panfilo Lacson.
Sa Senate Bill 260, ipinaliwanag ni Lacson na hindi matatawaran ang serbisyo ng mga matinong pulis kung kaya’t dapat lamang umanong mabenipisyuhan nang higit na maayos ang mga kaanak ng mga ito sakaling mamatay o maging imbalido habang tumutupad sa tungkulin.
“It is high time that we provide the much-needed boost to our police personnel by showing our concern amidst the challenging role they play in our present society. One way of showing our concern is by giving support to the educational benefits of qualified dependents of police personnel,” paliwanag ni Lacson sa kanyang panukala.
[Basahin: Senate Bill 260, Financial Assistance to Family/Beneficiary of Police or Military Personnel Killed While on Duty]
Sa nabanggit na panukala, isinasaad na bubuhusan ng iba’t ibang tulong pinansiyal mula sa pondong nalilikom ng Firearms and Explosives Office (FEO) ng PNP ang mga kaanak ng mga pulis na napapamahamak o namamatay sa serbisyo.
“Certainly, this will help alleviate the economic condition of our personnel. While we are quick to condemn the scalawags in uniform, we must also be fast to reward the deserving,” paliwanag pa ng mambabatas.
Kinaklaro din sa Senate Bill 260 kung bukod sa mga taga PNP ay mayroon pang ibang kasapi ng tinatawag na uniformed personnel na mabibilang sa mga pagkakalooban ng benipisyo buhat sa koleksiyon ng PNP-FEO.
Ito ay dahil may sarili din umanong pinagkukunan ng pondo ang mga departamentong nakakasakop sa mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) na sinasapit ang kahalintulad na situwasyon.
“It becomes logical therefore that the proceeds of the fees collected by the PNP through the FEO should redound solely to its benefits. Besides, the strength of the PNP is almost equal to that of the AFP and therefore, the amount generated out of the proceeds of the license fees will just be enough to support the needs of the PNP,” ayon pa kay Lacson.
“Additionally, the AFP and the BFP have their own funding sources since they too have their own revenue generating activities to support their programs,” dagdag pa nito.
Sa panukalang pag-amyenda ay isinama na rin ni Lacson ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Kabilang sa mga benipisyong ipagkakaloob ay ang sumusunod:
– tulong pinansiyal na katumbas ng anim na buwang suweldo pati na rin mga allowance at iba pang regular na tinatanggap
– prayoridad sa kaanak sa pagpalit sa puwesto o pagtanggap sa trabaho
– scholarship sa mga pinakamalalapit na kaanak na nag-aaral.
*****