Tutuklasin ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso kung may katotohanan ang mga balitang sa nasasakupan ng Pilipinas, partikular sa lalawigan ng Zambales nanggaling ang mga lupang ginamit upang malikha ng China ang mga artipisyal na isla sa loob ng pinagtatalunang lugar sa West Philippine Sea.
Ito ay sa pamamagitan ng Senate Resolution No. 92 na inakda at isinumite ni Senador Panfilo Lacson na naglalayong lumikha ng mga panuntunan upang hindi na muling maulit ang nabanggit na pangyayari, bunga na rin ng mga impormasyong kung ilang bundok umano ang napatag sa lalawigan kasabay ng pagkakabunyag sa pagtatambak ng mga tsino sa mga isla.
Ayon kay Lacson, layon din ng kanyang resolusyon na makalikha ng mga karagdagan o panibagong alituntuning pangkalikasan ang pamahalaan upang higit na maprotektahan ang mga ito sa mas malalang pag-abuso.
Related: Lacson seeks probe of destructive, treacherous excavations in Zambales Continue reading “Lupang Panambak ng China sa mga Isla sa WPS, Kakalkalin ni Ping”