Tutuklasin ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso kung may katotohanan ang mga balitang sa nasasakupan ng Pilipinas, partikular sa lalawigan ng Zambales nanggaling ang mga lupang ginamit upang malikha ng China ang mga artipisyal na isla sa loob ng pinagtatalunang lugar sa West Philippine Sea.
Ito ay sa pamamagitan ng Senate Resolution No. 92 na inakda at isinumite ni Senador Panfilo Lacson na naglalayong lumikha ng mga panuntunan upang hindi na muling maulit ang nabanggit na pangyayari, bunga na rin ng mga impormasyong kung ilang bundok umano ang napatag sa lalawigan kasabay ng pagkakabunyag sa pagtatambak ng mga tsino sa mga isla.
Ayon kay Lacson, layon din ng kanyang resolusyon na makalikha ng mga karagdagan o panibagong alituntuning pangkalikasan ang pamahalaan upang higit na maprotektahan ang mga ito sa mas malalang pag-abuso.
Related: Lacson seeks probe of destructive, treacherous excavations in Zambales
[Basahin: Senate Resolution 92, Mining Operations and Excavations in Zambales]
“(The investigation has) the end in view of adopting remedial measures to strengthen our environmental protection and conservation laws and address the possible breach of our national security,” banggit ni Lacson sa kanyang resolusyon.
Sa mga report na nakarating sa tanggapan ni Lacson, ilang bundok umano ang napatag na sa bayan ng Sta. Cruz kasabay ng pagtatambak sa mga pinagtatalunang bahagi ng West Philippine Sea.
“Worse, some reports had quoted Zambales Governor Amor Deloso as saying soil and rocks taken from these areas were “shipped, dumped and used to reclaim almost 3,500 hectares of the disputed islands in the West Philippine Sea, which caused massive, unspeakable damage to the marine environment therein,” ayon pa sa mambabatas.
Bukod pa umano ito sa mga balitang nagbabanggit sa National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na nagsiwalat na ipinupuslit umano ng ilang mining firms ang mga lupa buhat sa Zambales at dinadala sa West Philippine Sea.
“There is a need to account for the personalities behind (these) highly anomalous, illegal and treacherous acts that tend not only to destroy our environment, but also make a mockery of our laws to the prejudice of the Filipino people and constitute a possible breach of our national security,” diin pa ni Lacson.
*****