Interview on GMA News TV | Oct. 9, 2013

In an interview on GMA News TV, former Sen. Lacson answered questions on:
– the list of alleged pork barrel mastermind Janet Napoles
– Development Acceleration Program funds

Quotes from the interview… 

On surviving 12 years in the Senate without pork:
“Kaya naman. Na-prove na kaya. Noong 2001 tumakbo ako bilang senador, No. 10 ako; noong 2007, No. 3 ako. Di lang nag-survive, walang epekto ang wala kang pork barrel. Pwede ka ma-reelect, pwede mag-improve ang ranking mo sa election.”
“Gusto ko ituloy ang no-take policy ko noong Chief PNP ako.”

On his call for the abolition of pork as early as 2003:
“Hindi pinansin. Wala na rin akong magagawa roon.”
“Thinking back, inisip ko noon di pinansin pero ramdam ko it would explode in our faces in due time. Ang uncertain lang sa akin noon, kailan mangyayari.”
“Lumabas sa 20 percent, naging 30, 40, 50 percent. Ang masama, ito ang allegation ng whistleblowers, wala nang naiwan sa constituents kasi 100 percent na.”

On the DBM’s claim on Disbursement Acceleration Program:
“Mali yan eh. Sa DOST, nag-apologize si Sec. Montejo (at) sabi niya talagang hindi sa DAP galing ang sinasabi niyang kinuha namin sa DAP at binigay namin sa DOST. Pinakita ko sa media ang journal sa Senado. Ang journal di pwede baguhin yan. Nakasaad doon during the period of amendments, nag-amend talaga tayo. Naglagay talaga ako ng P30M sa DOST para sa nutrition program. Naglagay ako P20M sa NBI, P20M sa BI, P10M sa National Prosecution Service. Saan ko kukunin yan? Sa ibang item sa budget. Pwede ka mag-realign during the period of amendments… So nagtataka ako bakit lumabas sa DAP. Kung sa DAP kukunin yan dodoble yan.”
“DAP is not really a fund, it’s a program. Pag may program kailangan mo pondo. Saan kukunin ang pondo? Sa GAA pa rin.”

On Sen. Estrada’s claim that DAP may have been used as incentive to convict then-CJ Corona:
“Ako wala akong sentiment o idea kasi di ko tinanggap. Nang in-announce yan sabi ko kay Sen. Drilon, siya ang chairman ng finance… Sabi ko, Frank, you know where I stand kaya waive ako riyan, di ko kukunin. So wala akong nararamdaman kung yan ay incentive o reward. Ang dapat tanungin natin ang mga tumanggap, kung ano ang feeling nila. Ako walang naramdaman kasi di ko tinanggap.”

On outrage over pork:
“Yan ang nakakagalit ng loob. Pag nakakita ka ng nagkakalkal ng basura, ng walang matrikula at nagko-commit ng suicide, tapos i-juxtapose mo rito sa nangyari ngayon 2 larawan yan, talagang magagalit ka. Kaya ang tao ngayon parang nagising. Nagkaroon ng parang awakening. Parang spontaneous ang galit ng tao.”
“Mainam na ito. Parang masakit man, masira ang institution, pero after all this crisis, ang political institutions will be stronger. I hope it will be stronger.”

*****