Direkta nang madadaluyan ng pondo buhat sa kaban ng bayan ang mga lokal na pamahalaan upang matustusan ang mga pangangailangan ng mga proyektong pampayamayanan na ipinatutupad ng mga ito.
Ito ay sa pamamagitan ng inaasahang mabilis na pagsasabatas sa Senate Bill 40 na pinamagatang Budget Reform for Village Empowerment Act of 2016 na isinulong ni Senador Panfilo Lacson sa hangaring magkaroon ng mas makatuwirang pondo para sa mga proyekto ang mga lokal na pamahalaan.
“It is hoped that by giving the LGUs the necessary wherewithal to be active participants in the development of our country, we will end the culture of mendicancy and political patronage that viciously thrive in our system,” paliwanag ni Lacson sa pagsasampa ng naturang panukala.
Related: Lacson files LGU-empowering budget reform bill to achieve inclusive growth
[Basahin: Senate Bill 40, Budget Reform for Village Empowerment Act of 2016]
“Ultimately, this will help us realize the elusive inclusive growth that we all aspire for as a nation,” kasabay ng pagsasabing ang mga lokal na pamahalaan ang susi upang ganap na umusad ang mga minimithing pag-asenso sa bawat pamayanan.
Sa ilalim ng panukala na una na rin niyang ipinabatid sa lider ng mga lokal na pamahalaan sa panahon ng pangangampanya sa nakalipas na halalan, tinukoy ni Lacson ang magiging hatian ng mga lokal na pamahalaan sa naturang halaga.
Ang bawa’t lalawigan ay makakatanggap ng mula P500 milyon-P1 bilyon, bawa’t lunsod P100 milyon-P200 milyon, bawa’t bayan P50 milyon-P100 milyon at bawa’t barangay P3 milyon-P5 milyon,
Nakikita ng mambabatas ang mainit na pagsuporta ng kanyang mga kasamahan sa panukalang ito dahil noong panahon pa lamang ng pangangampanya sa nakalipas na halalan ay ilang kandidato na sa pagkasenador at kongresista ang nagpahayag ng maigting na pagsuporta sa mithiing ito.
*****