Mga Magsasaka, Libre at Unli ang Patubig sa Lacson Bill

Malilibre na ang mga magsasaka sa pagbabayad sa patubig na ipinagkakaloob ng pamahalaan dahil isasama ang pondo ng serbisyong ito sa pambansang gastusin na isinasabatas ng Kongreso taun-taon.

Ito ang pangunahing nilalaman ng Senate Bill 43 na pinamagatang Free Irrigation Services Act na inihain at iniakda ng nagbabalik na si Senador Panfilo Lacson sa hangaring mabawasan ang gastusin ng mga maliliit na magsasaka.

Ayon sa mambabatas, nararapat lamang umano na ilibre na ang mga magsasaka sa pagbabayad sa mga serbisyo ng patubig dahil kung anu-anong problema na ang inabot ng karamihan sa mga ito, pinakahuli ay ang El Nino phenomenon na tumama sa malaking bahagi ng bansa.

Related: Lacson bill exempts farmers from paying irrigation service fees

[Basahin: Senate Bill 43, Free Irrigation Services Act]

“Irrigation is a very basic governmental function that can very easily be shouldered by the State. It does not have to be passed on to farmers,” banggit ni Lacson sa pagsasampa ng naturang panukala.

“Considering that it is a key factor in increasing agricultural productivity, having the State subsidize it will go a long way in ensuring adequate food supply and the early recovery of the principal means of livelihood of people in disaster-hit and poverty-stricken areas,” dagdag pa ng mambabatas.

“Thus, it is the intention of this bill to revoke the ISF (Irrigation Service Fees) and to make irrigation services free for all farmers,” paliwanag pa nito.

“The State shall provide the necessary subsidies to farmers and irrigators associations and cooperatives to ensure the effective and grassroots-based management of irrigation systems, the funding of which shall likewise be included in the annual General Appropriations Act,” diin pa ni Lacson.

Sa panahon ng administrasyon ng dating Pangulong Joseph Estrada, magugunitang kinansela ang pagpapataw ng ISF sa mga magsasaka pero muling pinagbayad ng National Irrigation Administration (NIA) upang umano’y mabawi ang mga pondong ginastos sa pagpapatayo ng mga ito.

Sa ilalim ng panukala ni Lacson, mula sa pagpapatayo hanggang sa pagmantini at pag-aayos sa mga patubig na pinapangasiwaan ng pamahalaan, ang mga pondong gagamitin ay nakapaloob sa pambansang gastusin upang hindi na maperhuwisyo ang mga magsasaka.

*****