Ping: Presidente, Taga-Gobyerno, Babaklasin sa Bank Secrecy Law

Maaari nang mausisa ng publiko ang mga bank accounts ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan sa oras na maisabatas ang panukalang inihain ni Senador Panfilo Lacson.

Pangunahin kasing layunin ng Senate Bill 47 na inihain ni Lacson na amyendahan ang ilang nilalaman ng Republic Act 1405 o ang Bank Secrecy Law bunga na rin ng pagiging “madamot” nito sa publiko kaugnay sa mga detalye ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan.

Partikular na probisyon ng naturang batas na nais maamyendahan ng senador ay ang bahaging nagbabawal sa mga bangko na isiwalat sa publiko ang mga bank accounts ng mga opisyal halal man o itinalaga at mga kawani ng pamahalaan.

Related: Lacson bill removes Bank Secrecy Act protection for all government officials, employees

[Read: Senate Bill 47, Secrecy of Bank Deposits Law]

“The avowed purpose of the law (Bank Secrecy Act) is meritorious in preserving the confidentiality of bank transactions. Unfortunately, this provision of the law prohibiting the disclosure of or inquiry to bank deposits had been exploited time and again to hamper and stall investigations of government officials and employees suspected of enriching themselves while in public office,” paliwanag pa ni Lacson.

Kung maamyehdahan umano ang Section 2 ng RA 1405, magiging madali na para sa mga awtoridad na kalkalin ang nakatagong yaman ng mga tiwaling opisyal at kawani ng pamahalaan para maparusahan ang mga ito.

“By excluding government officials and employees, whether elected or appointed, from the coverage of the Bank Secrecy Law, law enforcement authorities will be equipped with the tools needed to go after crooks in government,” paniniyak pa ni Lacson.

Bukod sa presidente ng bansa hanggang sa empleyado ng pamahalaan na may pinakamababang ranggo, sakop din ng panukala ni Lacson ang mga kawani ng government owned and controlled corporations (GOCC) at mga militar at pulisya.

Ang Bank Secrecy Law ay umpisang ipinatupad noon pang 1955.

*****