Lacson bill sa money laundering tutok sa casino, real estate brokers, atbp

Ipupurisige ni Senador Panfilo Lacson ang krusada laban sa pagpasok sa bansa ng salaping kinita sa mga ilegal na aktibidad o money laundering activities.

Sa Senate Bill 45 na inihain ni Lacson na naglalayong amyendahan ang umiiral na Anti-Money Laundering Act sa bansa, dinagdagan pa ng mambabatas ang mga aktibidad na ibibilang sa mga babantayan kaugnayan sa nabanggit na ilegal na transaksiyon.

Kabilang sa mga aktibidad na imomonitor ng mga awtoridad batay sa panukala ni Lacson ay ang operasyon ng mga casino, real estate brokers, mga nagbebenta ng artworks at maging mga negosyante ng mga mamamahaling sasakyan. 

[Basahin: Senate Bill 45, (Amending the) Anti-Money Laundering Act of 2001]

View Fullscreen

“The Financial Action Task Force has noted how money launderers now use such businesses and professions to cover their illegal transactions, with the casino industry seemingly attractive for those undertaking money-laundering activities,” bahagi ng paliwanag sa panukala ni Lacson.

“While the contributions of the (casino) industry are acknowledged, it is also understood that casinos are equally exposed to the raging threats of money laundering,” dugtong pa ng mambabatas.

Isa pa umano sa kongkretong halimbawa ng money laundering activities ay ang naganap na paglilipat ng pondo buhat sa Bank of Bangladesh na walang kahirap-hirap na nailipat sa casino sa bansa sa pamamagitan ng casino junket operators.

Kasama na rin umano sa mga babantayan ang mga real estate brokers, mga ahente ng mga mamamahaling sasakyan at mga dealer ng mga obra sa mga art galleries kabilang na ang mga alahas dahil karaniwang malakihang halaga ang transaksiyon na pinapasukan ng mga ito.

Sa nabanggit na panukala ay dadagdagan din ang kapangyarihan ng Anti Money Laundering Council (AMLC).

“The bill likewise authorizes the AMLC, instead of the Court of Appeals, to issue ex parte freeze order with respect to some unlawful activities. The AMLC can also check compliance with the AMLA by covered persons not under any supervising authority,” batay sa nilalaman ng panukala.

*****

Leave a Reply