Lacson Bill Gamot sa Kamot-Batok na Land Valuation ng Gobyerno

Kikilos na ang Mataas na Kapulungan ng Kongreso para makalikha ng nag-iisang batayan at alituntunin lamang sa land valuation o pagtaya ng halaga at mga buwis na babayaran para sa isang partikular na ari-arian.

Ito ay sa pamamagitan ng Senate Bill 44 na tinaguriang Real Property Valuation and Assessment Reform Act na isinusulong ni Senador Panfilo Lacson.

Ang naturang panukala ay bunsod ng mga impormasyong nakakarating sa tanggapan ni Lacson na sa kasalukuyang sistema, iba-iba umano ang balwasyon ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa isang partikular na ari-arian lamang.

Related: Lacson bill sets unified standards, processes for land valuation

[Basahin: Senate Bill 44, Real Property Valuation and Assessment Reform Act]

“Multiple land valuation systems and methodologies used by at least 23 national government agencies and 1,712 LGUs, including private individuals and institutional appraisers—each using their own systems and measures, (result) in as many conflicting values for the same piece of real property,” pagbubunyag ni Lacson sa mga impormasyong nakaratingsa kanya.

Mas matindi pa umano ang ginagawa ng ibang mga lokal na pamahalaan dahil may mga situwasyon na hindi sinusunod ng mga nakaupong opisyal ang umiiral na alituntunin sa lokalidad na nasasakupan nito bunga na rin ng pag-iral ng pamumulitika.

“Some local government units have outdated real property values after failing to revise the Schedule of Market Values ‘due to political ambivalence and apprehension of political backlash,’” bahagi pa ng paliwanag sa panukala ni Lacson.

Sa ilalim ng Senate Bill 44, bibigyan ng karagdagang kapangyarihan ang Bureau of Local Government Finance (BLGF) sa tungkulin nitong pangunahan ang pagkilos tungo sa iisang batayan na lamang.

“The BLGF will work with the Bureau of Internal Revenue to develop, adopt, and maintain valuation standards for tax and other purposes,” paliwanag pa sa naturang panukala.

Magiging responsibildad din ng dalawang nabanggit na ahensiya ang paggabay sa mga lokal na pamahalaan upang hindi magkamali ang mga ito sa pagpipresyo at pagpapataw ng buwis sa mga ari-ariang nasa loob ng kanilang nasasakupan.

*****