Sa halip na ang akusado, ang nagsisinungaling na testigo laban sa kanya ang babalikat sa mga parusa sa kaso o mga kasong kinakaharap ng una oras na maisabatas ang panukalang inihain ni Senador Panfilo Lacson sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.
Sa Senate Bill 253 kasi na inihain ni Lacson at naglalayong amyendahan ang ilang mahahalagang nilalaman ng Revised Penal Code, ipinunto ni Lacson na dapat na ipaako sa testigo ang kaso ng idinidiin nito sa isang kaso o asunto oras na mapatunayang nagsisinungaling lamang ito o gumagawa ng kuwento.
“Any person who shall give false testimony in any criminal case shall suffer the same penalty for the crime the defendant is being accused of,” banggit niya sa naturang panukala.
Related: Lacson bill pushes higher penalties vs lying witnesses
[Basahin: Senate Bill 253, Amending Arts. 180, 183, RPC (Penalty on Fals
Inihain ni Lacson ang naturang panukala bunga na rin ng kung ilang beses nang pagkaladkad sa kanya sa mga mabibigat na kaso na pawang imbento lamang ng mga nagprisintang maging testigo ang pagkakaugnay niya.
“This pernicious practice is aimed not only to harass innocent persons but also to put them behind bars and make their families suffer,” banggit ni Lacson matapos na opisyal na maihain ang naturang panukala.
“It is noteworthy that because of these untruthful and inconsistent statements, we have witnessed how some men were robbed of their youth and freedom for a long period of time only to be freed later on account that the reason for their incarceration was based on a ‘polluted source,’” dismayadong pahayag ng mambabatas.
Kabilang sa mga nilalaman ng Revised Penal Code na aamyendahan sa nabanggit na panukala ay ang Article 180 na natutungkol sa maling akusasyon laban sa akusado, Article 183 o ang false testimony in other cases and perjury in solemn affirmation, at Article 184 o ang offering false testimony in evidence.
Maliwanag din aniya ang parusa sa mga taga-gobyerno na masasangkot sa pag-iimbento ng asunto laban sa mga akusado gamit ang mga kinutsabang testigo dahil tukoy na tukoy kung ano ang ipapataw a mga ito.
“A public officer or employee who orders such false testimony may suffer such penalty in its maximum period, along with a fine of up to P1 million, and perpetual absolute disqualification from holding any government position,” bahagi pa ng naturang panukala ni Lacson.
*****