Ping sa PNP: Ibalik ang tiwala ng publiko sa inyo

Kailangang maibalik ng kasalukuyang liderato ng Philippine National Police (PNP) ang tiwala ng taumbayan sa mga pulis upang mas maging matagumpay ang kampanya ng ahensiya laban sa kriminalidad.

Ito ang mistulang inirekomenda ni Senador at dating PNP Chief Panfilo Lacson nang matanong sa isang panayam sa radyo tungkol sa mga obserbasyon niya sa mga isinisiwalat ng mga testigong nagsalita sa imbestigasyon ng Senado sa kriminalidad.

Ayon kay Lacson, kung oobserbahan ang mga sagot ng mga testigo sa mga tanong sa mga ito, kitang-kita ang mga senyales na asiwa o natatakot sila na magsumbong o magpasaklolo sa mga pulis. 

“If we take the claims of the witness hook, line and sinker, many people are afraid to report killings to the police out of lack of trust. The PNP leadership will have to bridge that gap,” banggit ni Lacson sa panayam sa radyo.

Ito ay sa dahilang ang mga pulis umano na dapat na nilalapitan at hinihingan ng tulong ang nagsusuplay at nag-aatas na magtinda ng droga at pagkatapos ay papatayin ang mga inutusan upang hindi na makapagkuwento sa iba.

Kung mananatili umano ang ganitong impresyon sa mga tauhan ng pulisya na dapat ay direktang nalalapitan ng publiko para mahingian ng tulong, mananahimik na lamang ang karamihan sa may mga alam sa mga transaksiyon sa ilegal na droga at iba pang kriminalidad.

“The PNP leadership will have to do what is needed to earn back the trust of the public,” diin pa ni Lacson.

*****

Leave a Reply