Tatlo hanggang pitong araw.
Ganito na lamang kaiksi ang panahon na hihintayiin ng mga indibiduwal sa mga transaksiyon sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para sa mga kaukulang permit at dokumentong kailangan ng mga ito oras na maisabatas ang panukalan ni Senador Panfilo Lacson.
Sa Senate Bill 982 na iniakda at inihain ni Lacson bilang pag amyenda sa kasalukuyang Anti-Red Tape Act (Republic Act 9485), ipinaliwanag ng mambabatas na isinusulong niyang gawing tatlong araw na lamang ang pinakamatagal sa simpleng transaksiyon at pinakamahaba ang pitong araw o isang linggo sa may mga mas mabusising detalye.
Related: Level up: New Lacson anti-red tape bill cuts waiting time to 7 days or less
[Basahin: Senate Bill 982, Amending Secs 8 and 9, Anti-Red Tape Act]
Sa kasalukuyang batas na bunga ng naunang panukala ni Lacson sa kanyang naunang mga termino bilang senador, pitong araw ang pinakamatagal sa simpleng transaksiyon at sampung araw naman para sa mga mas mabubusisi.
“(I)t is imperative to revisit and amend certain provisions of the Anti-Red Tape Act to further enhance the efficiency of our public servants through the reduction of the number of days by which government offices must act upon on the applications or requests submitted by the public,” paliwanag ni Lacson sa paghahain ng naturang panukala.
“If a government office or agency fails to approve or disapprove an original application for permit, license or authority within the prescribed period, the application shall be deemed approved,” paalala pa ng mambabatas.
“Applications for renewal of a license, permit or authority shall be deemed automatically extended if not acted upon within the prescribed period, until a decision or resolution is rendered. But this shall not apply if the permit, license or authority involves activities that may endanger public health, safety, morals or policy including natural resource extraction activities,” dugtong pa ni Lacson.
*****