Ping: i-upgrade na ang batas vs kalamidad

Kailangan nang maitugma sa pagbabago ng panahon ang mga nilalaman ng Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010.

Ito ang pangunahin layunin ni Senador Panfilo Lacson sa pagsasampa ng Senate Resolution No. 10 na naglalayong muling pag-aralan ang nabanggit na batas na una nang naging batayan ng gobyerno sa paglaban sa mga mapamuksang kalamidad na tumama sa bansa.

Batay sa resolusyon, ang muling pag-aaral sa nabanggit na batas ay pangungunahan ng Congressional Oversight Committee on the Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 upang sabayang matalakay ng mga senador at kongresistang kasapi ng komite. 

[Basahin: Senate Resolution 10, Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act]

View Fullscreen

Ayon sa mambabatas, bilang dating Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery na personal na nangasiwa sa mga plano ng rehabilitasyon sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Yolanda, napapanahon na para buklatin ang mga pahina ng nabanggit na batas upang maging mas epektibo ito sa paglaban sa mga kalamidad.

“(T)here is a need to revisit the Act in order determine its effectivity and relevance when it comes to the country’s response to the challenges of the ‘new normal’ and the alarming rate of climate change, and to propose possible remedial measures,” paliwanag ni Lacson sa pagsasampa ng nabanggit na resolusyon.

Ang nabanggit na batas ay naging epektibo noong May 27, 2010 at matapos nito ay sunod sunod na malalakas na bagyo ang tumama sa bansa, kabilang na ang Yolanda na tumukoy sa mga mahihinang probisyon nito.

“While many natural and manmade calamities had hit the country since the act was passed – including the Zamboanga crisis in September 2013 and the Bohol earthquake in October 2013, it was Super Typhoon Yolanda (Haiyan) that “tested the legal and institutional capabilities of both the national and local governments as established by the Act and exposed the disconnect between the provisions of the Act and the realities and dynamics on the grounds,” malungkot na pagbabalik-tanaw ni Lacson.

Ang nabanggit na resolusyon ay alinsunod din umano sa isa sa mga probisyon ng naturang batas na nagsasaad na dapat itong muling pag-aralan limang taon matapos na ipatupad.

“(T)here is also a necessity to evaluate the performance of government agencies in implementing the provisions of the Act and to determine whether the mandates were carried out effectively, and if the mechanisms and processes established are effectual,” pahabol pa ng mambabatas.

*****