Ipinakukumpuni na ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso sa Department of National Defense (DND) ang Florendo Hall sa Philippine Military Academy (PMA) sa Fort Del Pilar sa Baguio City upang magamit ito ng mga kadete.
Sa pagdinig sa panukalang badyet ng DND, diretsahang inirekomenda ni Senador Panfilo Lacson, miyembro ng PMA Class 71, kay DND Secretary Delfin Lorenzana ang pagpapasaayos sa nabanggit na pasilidad upang magamit na tuluyan ng mga kadete.
“Florendo Hall is shaking (and the) cadets have no barracks,” seryosong banggit ni Lacson kay Lorenzana habang tinatalakay ang panukalang gastusin ng PMA para sa papasok na taon.
Related: Lacson seeks funds to repair ‘condemned’ barracks for PMA cadets
Inatasan din ni Lacson si Lorenzana na hanapan agad ng pondo ang pagpapasaayos sa Florendo Hall upang maisalba ito sa tuluyang pagkakasira at nagtataka umano ang mambabaas kung bakit hindi ito napagtuunan ng pansin nitong mga nakalipas na taon.
“Try to look for an item para magawa ang Florendo Hall,” ayon pa kay Lacson.
Noong kapanahunan ng pagiging kadete ng PMA, naging bahagi din umano ng mga aktibidad ni Lacson ang pumasyal sa Florendo Hall.
*****