Ping: Pagpatrulyahin ang 85 sa Bawa’t 100 Sundalo

Ilabas sa headquarters o kampo para mangalaga sa kapayapaan sa komunidad ang 85 sa bawa’t 100 sundalo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Ito ang naging rekomendasyon ni Senador Panfilo Lacson kay Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana sa pagdinig na idinaos ng mambabatas sa panukalang badyet ng ahensiya.

Sa paliwanag ni Lacson, dating pinuno ng Philippine National Police (PNP), noong kanyang kapanahunan ay una na niyang ipinatupad ang sistemang ito at nagkaroon umano ng magandang resulta sa larangan ng peace and order.

Related: Lacson eyes ’15-85′ formula to enhance AFP’s efficiency

“If I may suggest, ang ideal is 15-85,” banggit ni Lacson kay Lorenzana nang madako ang kanilang talakayan sa bilang ng sundalong nagpapatrulya sa mga komunidad at naiiwan sa mga kampo.

Ayon pa sa mambabatas, maging sa mga kagamitan at iba pang puwersa ng military ay dapat na ipatupad din ang 15-85 formula upang matiyak na mas malakas ang mga nagpapatrulya sa mga kalaban na makakasagupa.

Pati sa paglalaan ng pondo, seryosong iminungkahi ni Lacson na dapat ay nasa mga puwersa sa labas ang 85 porsiyento at 15 porsiyento lamang ang itatabi para sa mga nasa loob lamang ng headquarters o mga kampo.

“(S)ila rin dapat gumagamit ng pondo, sa field… It worked sa PNP during my time,” dugtong pa ni Lacson.

*****