Lacson bill: PCSO patitibayin pa sa pagtulong sa mahihirap

Ibayo pang kapangyarihan para makapag-impok ng pondong pantulong sa mga mahihirap na mamamayan sa bansa ang nakatakdang matamasa ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa ilalim ng panukalang isinulong ni Senador Panfilo Lacson.

Batay sa nilalaman ng Senate Bill 1470 na inihain ni Lacson, magiging pangunahing mandato na ng PCSO ang pangangalap ng pondo para sa pangmedikal na alalay sa mga mahihirap na mamamayan ng bansa kaya paiiksin na rin ang pangalan ng ahensiya.

Mula sa umiiral na PCSO, tatanggalin na ang salitang “sweepstakes” kung kaya’t sa ilalim ng panukala, ang ahensiya ay tatagurian nang Philippine Charity Office (PCO) dahil sa nabanggit na prayoridad nito. 

[Basahin: Senate Bill 1470, Philippine Charity Act of 2017]

View Fullscreen

“The provisions in this bill allow the PCSO Charter to adapt to the changing system of and emerging variations of lotteries and similar activities,” paliwanag pa ng mambabatas sa kanyang panukala.

“The bill also seeks to strengthen the Charter by one, making the PCSO more accountable to the public; and two, limiting its discretion in the distribution of its funds,” paliwanag pa ng mambabatas sa mga nilalaman ng kanyang panukala.

Sa usapin naman ng mga loterya at iba pang mga libangan na direktang may kaugnayan sa pera ng mga lumalahok, nilinaw din ni Lacson ang magiging papel ng ahensiya kapag ito ay ganap nang naging batas

“PCO will be the sole entity authorized to promote, organize, operate, hold and conduct lotteries, sweepstakes and similar activities in the country. It may also engage in health and welfare-related investments and programs, including profit-oriented ones,” dugtong pa ni Lacson.

*****

One Reply to “Lacson bill: PCSO patitibayin pa sa pagtulong sa mahihirap”

Comments are closed.