Lacson Bill: PAGCOR Out na sa Operasyon ng mga Casino

Mula sa kasalukuyang mabibigat na tungkulin at obligasyon batay sa kautusan ng batas, mababawasan na ang mga trabahong nakaatang sa mga balikat ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) kapag naging batas ang panukala ni Senador Panfilo Lacson.

Sa Senate Bill 1471 na inihain ni Lacson, layon nitong pagaanin ang trabaho at bawasan ang kalituhang dinaranas ng mga opisyales ng PAGCOR sa pamamagitan ng pagtatanggal sa karapatan na makapag-operate ng mga casino at iba pang mga libangan na kauri nito.

Kung magiging ganap nang batas, ang pagbibigay na lamang ng permit to operate sa mga pribadong casino at gaming establishments ang magiging pangunahing trabaho ng PAGCOR.

Related: Lacson bill seeks to privatize Pagcor casinos

[Basahin: Senate Bill 1471, Amending PD 1869 (The Pagcor Charter)]

“Senate Bill 1471 aims to address PAGCOR’s ‘conflicting’ roles of regulating and operating gambling casinos by having the agency focus on regulating the industry and giving up its role as operator of such establishments,” paliwanag ng nabanggit na panukala.

Sa panukala ay maliwanag na inilatag ni Lacson kung anong mga partikular na obligasyon na lamang sa larangan ng legal na sugal ang gagampanan ng PAGCOR.

“In order to promote a level playing field in the gambling industry and avoid conflict of interests, PAGCOR should cede its role as operator of all gambling and gaming activities. Through such manner, it can focus and put premium to its regulatory authority, which is its governmental role,” paliwanag ni Lacson.

Sa ilalim ng panukala, maliwanag ding tinukoy na ang lahat ng mga casino at iba pang pasugalan ng pinangangasiwaan ng PAGCOR ay binibigyan ng isang taong palugit para maisapribado.

“Under the bill, existing PAGCOR casinos are to be privatized one year after the measure is passed. Proceeds from the sale of its assets shall be remitted to the Bureau of Treasury for appropriation by Congress,” dagdag pa nito.

Pero hindi lamang umano basta-bastang mabibigyan ng permit ang isang aplikante dahil marami itong prosesong pagdadaanan upang matiyak na hindi nagagamit ang negosyo sa mga ilegal na gawain.

“The Pagcor board shall hold an exhaustive investigation of applications for licenses, “so as to ensure that gaming is kept free of corrupt or criminal influence.” The licensee “shall shoulder expenses for the investigation,” banggit pa sa panukala.

*****